Sa lahat ng kanta ng Eraserheads, ito yung pinaka paborito kong linya. Twing naririnig ko to diko maipaliwanag yung nararamdaman ko..Ewan ko ba..bakit ganon, lalo nung napanuod ko yung huling el bimbo na musical. Halos umiiyak ako noon habang kinakanta nila yan.
Nagsimula ako maging fan ng Eheads nuong HS ako...Gustong gusto ko kase yung mga kanta nila..Ibat iba yung kahulugan.. Katulad nalang nung huwag kang matakot..
Dati nung pinakikinggan ko yun I was thinking na partner in life ko sya..Boyfriend ko ganon..pero nung mga times na down na down ako at napakinggan ko yun..I imagined that it was God saying na "huwag kang matakot..hindi mo ba alam na nandito lang ako sa iyong tabi, hindi kita pababayaan kailanman "
at syempre ang pinakapaborito ko sa lahat..yung "With the smile" Sobrang gustong gusto ko yung kantang yon. Bawat lyrics non damang dama ko e. Kapag minsan naguguluhan na ko, hindi ko na alam yung gagawin..Napaghihinaan ng loob..Ayun yung pinakikinggan ko..Ang swabe nung lyrics..Pangpalakas talaga ng loob!
Yung kanta nilang " Minsan " nakaka LSS din yon. Nalulungkot ako twing pinakikingnan ko yun. Naalala ko yung mga old friends ko. Huhu
Tindahan ni Aleng Nena..Ansaya nung kanta na yon pero kung pakikinggan mo napakaganda din ng gustong ipahiwatig..
May mga bagay sa mundo na hindi nabibili na pera.
Ang kantang Spoliarium. Sobrang maintriga ito dahil sabi nila kanta daw ito ni Ely Miloves para kila Enteng at Joey at kay Pepsi. Pero ngayon palaisipan padin ito dahil hanggang sa hukay daw ay dadalin ni Ely Miloves yung totoong meaning neto.Pero para sakin, ito ay kwento lamang ng isang barkada na nag iinuman at nalasing.
Para sa Masa. Sabi ni Ely hindi na daw nya kakantahin yan.. Bakit kaya?
Alapaap, Ligaya . Palagian kong kinakanta sa videoke 😄 Ewan ko ba. Love ko talaga ang Eraserheads.
------
Mommy Yen 🙋