Bilog ang mundo

14 36
Avatar for Yen
Written by
4 years ago

Panganay ako sa apat na magkakapatid at kalimitan kapag may problema ang isa sa mga kapatid ko ay ako talaga ang tinatakbuhan. Lalo na sa usaping pinansyal mula noong nag umpisa kong magtrabaho hanggang ngayon na magkaroon nadin ako ng pamilya.

Ate may extra kaba, pahiram muna.

Ate may pera kaba kinapos ako sa budget

Ate baka pwede makahiram ng pera pang apply

Ate baka pwede makautang sayo para wala ng interes

At marami pang iba na kwentong pera. Tama nga yung sabi dun sa isang memes na nabasa ko, yung Banco De Ate 😊

Wala naman ako ganong kalaking pera, nung nagtatrabaho pako hindi din naman kalakihan yung sweldo ko, at nung magkaasawa naman ako yung asawa ko nalang yung natatrabaho samin at kahit papano may konting naipon. Pero sadyang ako yung takbuhan nila kasi siguro alam nila na hindi ko naman sila matitiis.

Nung isang araw kausap ko yung kapatid ko sa Messenger. May utang pa kasi sakin yon halos isang taon nadin mahigit na nagkakahalaga ng 30,000 PHP. Nakapag umpisa lang sya maghulog sakin nung January tapos nahinto dahil nagka covid at ngayon nalang ulit nakapag awas awas. Hindi ko naman sana pahihiramin ng pera yun kasi naaasar ako, alam nyo ba kung bakit? Yung pera na yun naipatalo lang sa sugal tapos inutang sa ibang tao at napakalaki ng tubo. Humingi sya sakin ng tulong kasi stressed na stressed na sya kung paano gagawin nya. Sinermunan ko muna sya bago ko sya pahiramin. Yung sermon na may paalala ng isang ate na sana magbago na sya. Nangako sya na magbabago na at aayusin na yung buhay nya.

Tinupad naman nya yun at nakikita ko unti unti kaya masaya ako. So ayun nga, magkachat na kami nung isang araw. Mag aawas daw kasi sya ng pera, biniro ko sya na bigyan ng pambili ng pagkain anak ko. Sabi nya kasya na daw ba yung 500. Sabi ko malaki masyado, kahit 200 lang. Tapos sabi nya sige 1000 na bibigay ko kay Blue. Tinanggap ko na kasi malaking tulong yun para samin.

Conversation namin yan.

Naiyak lang ako nung mga oras na yon. Hindi naman ako nanghihingi ng kapalit pero yung mabasa mo lang yung ganitong mensahe mula sa mga taong natulungan mo e sobrang laking bagay. Nakakataba ng puso, masarap sa pakiramdam. Narealize ko din nung mga oras na yun na bilog talaga yung mundo. Hindi palagi na meron ka at sila wala. Dadating din yung oras na magkakaroon sila at ikaw naman ang mangangailangan.

Lesson? Wag tayo magsawang tumulong hanggang nakakaluwag luwag tayo. Hindi man natin hilingin pero ayan babalik sa atin lahat ng mabubuting gawa na ginagawa nating sa kapwa natin.

Sana all bumabawi πŸ˜…

Mommy Yen

6
$ 0.10
$ 0.10 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Yen
empty
empty
empty
Avatar for Yen
Written by
4 years ago

Comments

Nice article

$ 0.00
4 years ago

I wonder if I'll be like this when I get work. I'm also the eldest

$ 0.00
4 years ago

Its okay lang naman as an ate to help :) If wala kapa family hehe

$ 0.00
User's avatar Yen
4 years ago

Well we're all young. Malabo din that any of us will get families soon

$ 0.00
4 years ago

Nakoooo. I won't think twice if it's a family member. I didn't mind letting a friend borrow my money, I let her borrow wholeheartedly pero umabot na ng isang taon mahigit ang utang nyang 1600 🀦 sinira nya tiwala ko. πŸ’”

$ 0.00
4 years ago

Ako din naman πŸ˜… Kaso nagdidiwara talaga ko minsan kasi nga mga pasaway haha. Gusto ko maging wise spender sila at matuto mag ipon kasi tulad ngayon may pamilya nako syempre nakakahiya na sa asawa ko kasi hindi naman na ako nagwowork.

Yes naalala ko yun. Yung kasama mo sa review center?

$ 0.00
User's avatar Yen
4 years ago

True naman. Dapat gamitin sa tamang paraan ang money.

Oo, siya. Di na ako nangungulit sa kanya. Napagod na ako.

$ 0.00
4 years ago

Tinalo lang kasi nya sa sugal yung pera nya kaya ako nagagalit. Nilihim pa nya tapos nung dna nya kaya isolve saka sya lalapit samin. Kaya nga sabi ko sa kanya diba sa pamilya mo padin ikaw hihingi ng tulong πŸ˜‚ Good thing at nakita ko naman na nagbabago na talaga sya.

$ 0.00
User's avatar Yen
4 years ago

Yun ang mahalaga. He learned from it ☺️

$ 0.00
4 years ago

πŸ€©πŸ€©πŸ€©πŸ€©πŸ€—πŸ€—

$ 0.00
4 years ago

Wow super relate po ako dito Mommy Yen. Panganay din kasi ako and natawa 'ko dun sa Banco de Ate. Totoo talaga pag panganay ka ikaw madalas takbuhan ng mga nakakabatang kapatid. Minsan kapg nanghihingi sila sa parents namin tapos di binibigyan nakakaawa din kaya kahit last na pera ko na ibibigay talaga, I guess that's the heart of an ate, di mo talaga matitiis yung mga kapatid mo kahit nakakainis na. Kudos din po sayo for being such a wonderful ate sa mga kapatid mo.

$ 0.00
4 years ago

Kailangan ko gawin yun as an Ate kasi iniisip ko dapat ako maging modelo nila hehe. Good thing padin yun kasi sakin sila nahingi ng tulong instead sa ibang tao. Medyo iba na nga lang sitwasyon ngayon kasi kailangan ko na ipaalam sa asawa ko kapag ganung mga bagay hehe. Alam mo na πŸ˜„

$ 0.00
User's avatar Yen
4 years ago

Tama po. Mas okay na din yung sa pamilya mismo humingi ng tulong instead na sa ibang tao para walang masabi ang iba. Pero not all older siblings are willing to do that, na tulungan yung nakakabata nilang kapatid. Yung uncle ko nga minsan kapag hinihingan ni papa ng tulong instead na tumulong ang dami pang masasamang sinasabi like isusumbat pa yung mga nagawang tulong nung nakaraan. Kaya I admire people na katulad niyo mag isip.

$ 0.00
4 years ago

Ganon talaga yung ibang mindset ng Pinoy haha. Kahit dito din samin πŸ˜„ Basta pera usapin walang kama kamag anak πŸ˜„πŸ˜„

$ 0.00
User's avatar Yen
4 years ago