Kani kaninay masaya lang,
Ngunit biglang nabago ang timpla
Ang kaninang ngiti sa labi
Napalitan ng lungkot na hindi alam kung saan nanggaling
Kinondisyon na ang aking sarili
Para gumawa ng artikulo na kanina ko pa iniisip
Ngunit bakit mas nanaig ang pait
Ang bigat at lungkot na hindi ko alam kung saan nanggaling
Susulat sana ako ng artikulo
Artikulo na magsasalaysay kung bakit ako ganito
Ngunit ninais ko lamang na sumulat ng tula
Tula na hindi ko alam kung ano nga ba ang paksa
Tayoy bumalik sa unang sambit
Bakit tila sumisikip ang dibdib
Nais kong manalangin para sa kapayapaan
Kapayaan na tanging Diyos lang ang makapagbibigay.
Marami sa atin ang nakakaranas ng ganito.
Ito marahil ay sobrang pag iisip o depresyon.
Tulad ko, ikaw din ay walang ganap na pag amin
Pero alam mo sa sarili mo na tulad ka din namin.
Hindi madali ang pinagdadaanan natin
Dadating sa puntong aayaw ka nalang din
Iiyak nalang bigla dahil sa bigat ng damdamin
Pero ikaw lang din ang nakakasaksi.
Hindi ko alam kung saan patungo ang buhay.
Kung ano ang plano ng Diyos sa ating hinaharap
Pero mas pipiliin ko padin na manalig at magtiwala
Dahil alam kong may Diyos na hindi ako pababayaan.
Habang sinsulat ko ang yaring tula
Patak ng luha sa unan ko ay ramdam
Hindi ko alam kung paano ito gagaan
Kaya naisipan ko na lamang na sumulat ng tula.
Susubukan kong matulog upang mapahinga ang diwa
At nawa sa aking paggising makita ang bagong pag asa
Hinihiling sa Diyos na sana matapos na
Itinataas ko na sa kanya lahat lahat kong dala.
Nararanasan nyo din ba yung ganito? Yung bigla nalang malulungkot tapos iiyak 😅 Ayaw ko ng ganitong pakiramdam pero patuloy padin ako sa pakikipaglaban. Alam ko dadating din yung panahon na magiging free yung puso at isip ko sa lahat ng anxieties. Pasensya na dito pako nagdrama. HAHA
Nkakainggiy tlga yung nakakagawa kyo ng tula.m hirap mag rhyme sa tula 🤣