Bato
Bituing nagliliwanag pag sapit ng dilim Mga alitap-tap na kumukuti kutitap sa puno maging sa ilalim Kalawakang kung tutuusin ay pang walang hanggan Kay laki ng mundo bata, napakarami pa ng iyong dapat matuklasan Sampung taong gulang ngayong darating na setyembre Nagngangalang bato, anak ni erne't marife Hikahos sa buhay, walang sapat na panustos Sa isang dosenang anak, trabaho lamang ay ang gumawa ng mga pinag-uutos Sa kanyang paglaki kanyang naranasan Magdildil ng asin, minsa'y pagkaing galing sa basurahan Maging sa edukasyo'y malabong nyang makamtan Makapagtapos ng kolehiyo'y malabo ng mahagkan Sa kanyang nalalapit na kaarawan, ang tangi nya lamang hiling sapat na perang pang negosyo nawa'y sila'y dinggin Mga nakatataas aksyon nyo ang hinihintay Tiwala't boto ng mamamayan wag nyo sanang ihimlay This will be my last article for today, kindly comment your thoughts and opinion about this poem. You can ask me also for translation, i am willing to answer that😉
6 comments
Hmmmm
😇😇😇
so sad.. eto ksi ang isa sa problemA natin,tayong mga hikahos xa pang npkaraming anak...
Agree dear. Lack of family planning.
Honestly, I don't understand anything 🤗
Its all about a boy who struggles for his education and seeking some help from the government to at least look at them and show some mercy