Unwanted Miracle (Part 1)

0 10
Avatar for Yashard
3 years ago

Nung nagsama kami ng asawa ko, PCOS positive ako both ovaries. On and off ang PCOS ko since 17 years old ako. Mawawala babalik. Nagpa-ob na ko before kasi dumating ako sa point na 2 months na di pa ko nireregla. Tas meron din 21 days na di pa din tumitigil bleeding ko. Though mahina lang siya, still nakaka-worry pa rin. Niresetahan ako nun ng ob ng mga gamot including birth control pills. Nung una nag-alangan ako mag-pills kasi mararami ko nababasa na pag nag-pills daw ang di pa nagkakaanak, may tendency mabaog. Eh ako, gusto ko din syempre magka-baby in the future.

I just started taking pills nung 22 na ako. One month lang ako nag-take then ni-stop ko na. Kasi napa-paranoid ako. I gave up treating my PCOS. Sabi ko sa sarili ko, kung magkakaanak ako edi go kung hindi edi mag-aampon ako. Then a year later nagsama na kami ng asawa ko.

Lagi kami nagra-rides ni hubby using his motorbike. Tanay, Batangas, Tagaytay. Kung saan makalusot at pwede makapasyal. Bumabyahe din kami ng malayo papunta sa work niya sa Bataan using his mom's family car. Swimming pag day off nila. Paguran. Enjoy to the max.

Then here comes one day nung pauwi kami ng Manila from Bataan, grabe suka ko. Kala ko dahil lang sa byahe. Mahina kasi ako sa malayuang byahe tas naka-aircon. Then nung nag-check ako ng menstrual record ko, going 2 months na pala kong di dinadatnan. Tas nung sinabi ko kay hubby binibiro niya pa ko na baka daw buntis na ko.

Then halos everyday na ko nagsusuka. Di na ko makakain kasi isusuka ko lang din. Nagduda na ko. There's something in me na nagsasabing mag-PT ako. Bumili ako ng PT Kit ng palihim. Di ko muna sinabi kay hubby. Nung lumabas yung result, sa dalawang PT na ni-try ko magkaibang brand, parehas positive.

Di ko alam mararamdaman ko nun. Di ko alam pano sasabihin kay hubby. Naiisip ko kasi baka magalit siya kasi ayaw niya pa ng baby. So, inunti unti ko siya. Sabi ko try namin mag-PT or magpa-checkup kasi sabi ko masama na talaga pakiramdam ko. Tas sakto inatake ako nun ng allergy ko. Namamantal ako at pulang pula.

(To be continued...)

1
$ 0.00
Sponsors of Yashard
empty
empty
empty
Avatar for Yashard
3 years ago

Comments