Halo-Halo Special Feelings
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Naiinis, nagagalit, naiiyak. Basta di ko magets. Ang tanging sure ako eh yung ang bigat ng pakiramdam ko. Feeling ko ang useless kong nanay. Feeling ko I don't deserve to be a mom.
Tatlo. Tatlong beses na nadisgrasya anak ko. And it happened kasi nagtiwala ako. Naiinis ako sa sarili ko at sa mga tao sa paligid ko. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko nabantayan ng maayos anak ko. Hindi ko na maa-undo yung pain that he went through. Umabot pa ng tatlong beses. And in all those three, I was not there.
Nung una, iniwan ko sya matulog sa bed namin. 5 mobths siya nun. Tumalikod lang ako sandali para magreport sa asawa ko about dun sa MOA for one of our reseller. Minamadali niya ko nun eh. Napi-pressure na ko kaya tinapos ko na. Kaso masyado ako nagtiwala na dahil tulog naman anak ko, eh okay lang. Kaso paglingat ko, narinig ko na lang ang lakas ng iyak niya kadi nahilog siya sa 3 feet high bed namin. Nagkapasa siya sa mukha nun at namaga yung left side ng pisngi at kilay niya.
Gusto ko siya dalhin sa doctor nun para ma-thorough checkup sana kaso ayaw naman ng asawa ko. Ayaw niya ko samahan kasi mukha naman daw okay anak namin. Baka daw masayang lang punta namin. Di ko sya mapilit eh pag hindi kasi siya pumayag, di ako nakakaalis ng bahay eh.
Second, pumunta samin bunsong kapatid ko. 7 months si Mavi that time. Sabi ni mama dito daw muna samin para matutulan modules niya. That time, naghugas ako ng palato. Nagtiwala na naman ako. Iniwan ko anak ko sa kapatid ko. Karga niya anak ko nung iniwan ko sa kanya kaya panatag ako. Kaso pagtalikod ko pala nilapag niya sa bed anak ko tas iniwan niya lang dun. Anlayo niya. Nakatalikod pa sya sa anak ko habang naka-earphones.
Nalaglag na naman sa bed si Mavi. Grabe iyak niya. Kinabahan ako kasi yung labi niya namumuti tas parang naninigas siya konti at ang lakas ng iyak niya. Sa takot siguro. Ang bigat ng dibdib ko nun. Wala akong nakitang damage sa kanya. Walang bukol, walang pasa o ano. Pero gustong gusto ko siya ipa-check nun kaso yung asawa ko kontra na naman. Kaya hindi ko na naman napa-checkup.
Pangatlo, ngayong gabi lang. 9 months na si Mavi. Bumagsak sa tiles na sahig anak ko. Ang masakit dun, asawa ko mismo bantay. Nakahiga siya sa sala. Yung anak namin, inasa niya sa 6 years old niyang pamangkin. Eh nagdi-dinner nun yung pamangkin niya tas di niya din kaya si Mavi kasi mabigat. Kumapit sa legs niya anak ko eh kaso bigla siyang tumayo so napabitaw si Mavi sa kanya at bumagsak sa floor.
Naghuhugas ako ng plato nun sa kusina. Narinig ko lakas ng iyak niya kaya pinuntahan ko. Itong asawa ko sinisi pa yung pamangkin niya bakit daw hindi binantayan.
Naiinis ako sa sarili ko kasi kung ako yung andun, hindi sana mangyayari sa kanya yon. Naiinis din ako sa asawa ko kasi siya yung nagprisinta na magbantay ng anak namin eh pero pinabayaan niya. Kung tutuusin kasalanan niya bakit nabagok anak namin.
Naiiyak ako kasi ako pa sinisisi ng biyenan ko. Kesyo bakit daw ako pumayag ipaalaga sa asawa ko anak namin eh puro daw pagkakakitaan ang nasa isip ng anak niya kaya di daw maasahan sa anak namin. Dapat daw di ko iniiwan anak ko pero pinapagalitan ako kapag nauubos oras ko sa anak ko. Kesyo di ko daw mahugasan agad mga plato, di daw ako makaluto puro bili lang, di daw ako makalinis ng buong bahay.
Nakakasama ng loob yung asawa ko. Galit na galit siya sa kapatid ko nun kasi pinabayaan anak namin. Gusto niya pa nga saktan sana para daw makaganti. Pero ngayon, pinabayaan din naman niya anak namin. Ang sakit sa dibdib bilang nanay.