Chicken and Pork Adobo

0 24

Paano ba mag luto ng Chicken and Pork Adobo? Ituturo ko sa inyo ngayon.

Mga Sangkap

✔️ 500 gramo na manok

✔️ 500 gramo ng tiyan ng baboy

✔️ 1 ulo ng bawang, tinadtad

✔️ 1 kalahating tasa ng toyo

✔️ 2/3 tasa ng suka

✔️ 1 kutsara ng paminta

✔️ 1/4 tasa ng mantika

✔️ 2 kutsara ng oyster sauce

✔️ 1 tasa ng Alaska Evaporated Filled Milk

✔️ Asin at Paminta

Pamamaraan Ng Pagluto

  1. Sa isang mangkok, e marinate ang karne ng manok at baboy sa toyo, bawang, suka at paminta ng tatlong minuto.

  2. Ihiwalay ang karne ng manok at baboy sa mangkok.

  3. Initin ang mantika sa kawali at ilagay ang karne ng manok at baboy.

  4. I dagdag ang bawang hanggang sa maging brown.

  5. Ilagay ang hiniwalay na pinagbabaran ng karne ng baboy at manok.

  6. Pakuluan ang karne hanggang sa Lumambot at tikman Kung Tama ang lasa.

  7. Ihalo ang Alaska Evaporated Filled Milk at hanguin na.

  8. Pwede mo ng ilagay sa mangkok ang nilutong Chicken And Pork Adobo.

Sana po magustuhan niyo ang pamamaraan ko ng pag luto ng Chicken and Pork Adobo na may twist.

4
$ 0.00

Comments