Pasko'y Papalapit Na

0 12
Avatar for Yang2x
Written by
3 years ago

Hulyo na ngayon,so ibig sabihin Agosto na sa susunod na buwan. Huling buwan bago tayo mag-cecelebrate nang tinatawag nating "longest season of the year" ang pasko.Tila napakadali lamang lumipas nang oras,araw,buwan at taon.Parang kelan lamang nang huli tayong nagdiwang.

Pero iba ang sitwasyon natin ngayon.Paano tayo makapagdiwang nang pasko kung nasa gitna tayong lahat nang pagsubok.Nasa gitna tayo nang atin laban kontra covid19.Disin sana ay masaya at excited tayong lahat habang papalapit na ang araw na ito. Kanya-kanyang ipon para pambili nang mga regalo para sa ating mga minamahal sa buhay.

Pero likas sa ating mga Pinoy ang pagiging masiyahin. Sa lahat at kahit ano pang pagsubok na dumarating at dadating nanatili parin sa atin ang pagiging positibo ang pananaw sa buhay. Nananatili parin tayong nakangiti at madasalin sa kanya.Dahil sa dinami-dami narin at sa tinagal-tagal na nang ating pakikipag-laban sa buhay ay nananatili parin tayong nakatayo nang matapang at matatag.

Sana lamang ay matatapos na ang lahat nang pagsubok na ito. Sana bukas paggising natin ay isang magandang balita ang ating maririnig.Upang kahit papaano'y makabawi tayo sa lahat nang pighati at kalungkutan. Lalo na sa mga pamilyang nawalan nang mahal sa buhay.

Patuloy din sana tayong manalangin at makipag.usap sa kanya.Dahil sya lamang ang ating sandigan. Nang sa ganun maipagdiwang natin nang masaya ang kanyang kapanganakan.

1
$ 0.00

Comments