Bilang isang Pilipino,likas na sa atin ang ganyang mga bagay.Parte na nang ating kultura at pagkatao ang ibat- ibang mga paniniwala gaya nang paniniwala sa "orasyon" at "kulam". Nagsimula at minana pa sa ating mga ninuno at kanilang kanunu-nunuan ang mga kultura at paniniwalang yan.
Nuong bata pa ako,sinasabi nang mga magulang ko na ang lolo ko daw ay meron daw pambihirang bilis sa pagtakbo. Dahil diumanoy nakipagkarerahan sya sa kabayo.Syempre sa panahong iyon paniwalang paniwala ako at bilib na bilib sa lolo ko dahil nga sa angking galing nya. Sabi din nang mga kamag-anak ko na nang pauwi nadaw galing sa bukid si lolo ay hinabol daw ito nang napakalaking ahas. Pero hindi daw ito maunahan nang ahas. Bagwis,pinatay nang lolo ko ang ahas.
Meron daw sinasambit ang lolo ko na mga katagang hindi maintindihan. At minsan din daw ay May pumuntang kaibigan sa bahay ni lolo upang humingi nang tulong upang makapag himagsik sa taong gusto din syang ipakulam. Yun nga at tinulungan daw ni lolo.
Pagkalipas daw nang ilang araw ay namatay ang taong tinutukoy nang kaibigan nito. Dahil nga rin sa panahong yon ay halos hindi madala dala nang mga tao sa ospital ang gusto nilang ipagamot. Dahil narin sa kakulangan sa transportasyon at pera. Dahil din hindi sila gaanong naniniwala sa doctor at tanging mga halamang gamot lamang ang kanilang pangunahing panglunas.
Ikaw naniniwala ka ba sa orasyon at kulam?Isulat mo rin ang kwento mo!