Oras

0 9
Avatar for Yang2x
Written by
3 years ago

Ang oras ay ginto,alam mo ba ito? Kaya wag nating sayangin,dapatwa't ating tipirin.Kung ito'y lilipas na,hindi na maibabalik pa. Oras na sinayang iyong pagsisisihan.Gamitin natin nang tama upang maging makabuluhan.Nang sa ganun,tagumpay ang ating kakamtin!

Kay daming oras na nasayang hindi lang sa akin pati sayo rin.Mga bagay na hindi muna isinaisip bago gawin.Pagdedesisyon nang hindi akma dahil inuuna ang puso kaysa diwa.Hindi natin akalaing napakalaki ang magiging epekto nito sa ating sarili't kapwa.

Kaya,oras ay gamitin nang tama. Wag nating hayaang mangyayari ang masama. Dahil siya,ikaw at ako lamang ang May hawak nito. Pangalagaan,isaisip at isapuso dahil oras lamang ang magiging sandata natin sa laban at takbo nang ating napakalupit na mundo.

4
$ 0.00

Comments