Kaluluwang Hindi Matahimik

1 72
Avatar for Yang2x
Written by
4 years ago

Naniniwala poba kayo sa kaluluwa? O sa sinasabi nilang mga kaluluwang hindi matanggap sa langit o di kaya'y hindi matanggap ang kanyang kamatayan. Dahil naghahanap nang hustisya sa kanyang pagkamatay.Isa po ako sa naniniwala na totoo po sila. Dahil nakita at narinig kopo mismo sila.

Way back October 2010,"sumasalangit po ang iyong kaluluwa ate".Isinugod po sa ospital ang ate ko dahil manganganak na sya. Pero about 9cm na ata hindi parin lumabas yung baby. Halos maubusan na daw nang tubig kakaire.At dahil kulang sa mga pasilidad ang ospital sa probinsya namin,yun nga nagdesisyon ang doktor na umasikaso sa kanya na dapat dalhin sa mas malaki at kumpleto sa pasilidad na ospital. Pero nung time na yun,grabe na ang kanyang kalagayan. I mean hindi na mabuti..50/50 na,sila nang magiging anak nya sana.

Pero dahil napakalayo naman talaga nang syudad sa probinsya namin,siguro halos 5-8 hours yong byahe,hindi na nila alam ni tatang ko kung mabubuhay paba silang dalawa nang bata.At to make the story short,pagdating nila sa syudad dun dinala si ate sa pampublikong ospital syempre dahil wala namin kaming pera. Mahirap lang po kami.

Sinabi nang doktor na kailangan magsagawa daw nang csarian operation para mailigtas silang dalawa. Pero huli na ang lahat,namatay yung bata sa tyan. At nung nalaman nga nang ate ko..inatake sya sa puso at namatay. Kakalungkot lang isipin na sana kung napaaga nang desisyon ang mga doktor sa probinsya namin,edi sana buhay silang dalawa ngayon.

Yun nga dinala ang mga bangkay sa aming probinsya..at mula nang unang gabi nang lamay, palagi nang nagpaparamdam ang ate ko at gabi gabi din syang umiiyak na parang humihingi sya nang tulong dahil hindi niya matanggap ang kanyang biglaang kamatayan. Nakakatakot talagang pakinggan grabe! As in manalangin ka talaga.Siguro dahil May naiwan syang dalawang anak.At nagpapakita din sya mismo sa mga kamag.anak niya,at isa na ako dun. Pero sabi nang mga tao kelangan lang daw palagi silang ipagdadasal. Yun nga ilang araw,buwan at taon ang lumipas unti unti na naming natanggap lahat ang kanyang pagkawala.

Sumasalangit sana ang iyong kaluluwa ate kasama nang diyos sa langit.!!

3
$ 0.00
Avatar for Yang2x
Written by
4 years ago

Comments

Para sa mga katoliko may kaluluwa at para naman sa mga iilang relihiyon ay hindi sila naniniwala na may kaluluwa dahil wala daw binabanggit sa bibliya. At ang nagpaparamdam lang na iyon ay ang bahagi ni satanas para lansihin ang tao. Maraming iba't ibang paliwanag tungkol sa paksa na yan dahil iba iba din naman tayo ng pananaw at paniniwala sa buhay. May ibang naniniwala dahil nakakakita daw sila tulad mo. Siguro dun sa nangyari sa ate mo ay nabigla sya at hindi man lang nakapag paalam ng maayos sa inyo o kaya naman umiiyak sya dahil nawala ang kanyang anak. Kasi hindi nya ito basta basta makakasama dahil ang mga batang ganun ang nangyari ay kinukuha na agad ng Diyos. Ang maganda na lamang dyan ay ipanalangin na lamang ang kanilang mga kaluluwa.

$ 0.00
4 years ago