Gandang umaga mga ka read.cash! Musta nga pala mga araw niyo? Malapit na naman magtapos ang buwan,pero heto parin tayo,nasa kalagitnaan parin nang pandemya.Tanging dasal nang lahat nang tao,na sana ay magwakas na ang lahat nang ito.
Kahit hindi na talaga maibalik sa normal ang dati nating gawi sa araw-araw nating pamumuhay,sana man lamang ay mayroon nang lunas upang mapigilan ito kahit paunti-unti.
Pero alam niyo bang parang leksyon narin ito sa ating lahat. Dahil sa nangyaring ito,marami tayong natutunan.
Dahil dito nagiging madalas ang ating pakikipag-usap sa Diyos.Naging madasalin tayo,naging matulungin,naging mapasalamatin at higit sa lahat meron na tayong pagkakaisa.
Natuto din tayong pahalagan ang ating kalusugan sa pamamagitan nang pagpapanatili nang kalinisan nang ating kapaligiran at katawan.Mayroon na tayong mas maraming oras ginugogol sa ating mga mahal sa buhay. Mas lalo din nating nakilala ang ating mga sarili.Mas madiskarte na tayo sa buhay ngayon!