Tatanggapin parin kita

2 21
Avatar for YamceyLou
3 years ago

"Mahal parin kita" sabi ni Carlo saken. Ilang beses na ata? Paulit ulit. Humiga nalang ako ulit sa kama ko. Pumunta kasi siya sa apartment ko bigla.

"Mahal mo ulit ako? Yung gf mo? Asan na? Wala na kayo?" Nagtatakang tanong ko habang nakahiga ako. Umupo siya sa gilid ng kama ko

"Wala ulit. Wala ulit akong girlfriend. Pearl maniwala ka naman kasi saken. Ikaw yung mahal ko. Pinagtitripan ko lang sila" nagmamakaawang sabi niya habang nakatingin saken. Tumayo ako at pumunta sa kusina, maliit lang namantong apartment ko na to

"Gusto mo ng ice cream? Nood tayo ng movie. Anong gusto mong palabas?" Pagiiba ko ng usapan. Matagal na siyang ganyan. Sanay nako.

"Sige lang ibahin mo usapan. Ayaw mo na ba sakin? May iba ka na bang mahal? Hiniwalayan ko siya para sayo tapos gan---"

"Pwede ba Carlo?! Sawang sawa na kasi ako! Pagod na pagod nako! Gusto mo malaman yung totoo? Mahal kita! Mahal parin kita! Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganto sayo! Hindi ko alam kung bkit ang tanga tanga ko! Hiniwalayan mo siya para saken? Sinungaling! Siya ang nakipaghiwalay! Lagi nmang ganun! Ikaw yung laging iniiwan! Kase sinungaling ka! Manloloko ka! Malakas lang dating mo pero hindi ka gwapo! At kung ano ano pang imperfections meron sayo!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag iyak habang nagsasalita ako sa kanya.

"Eh kung ganun pala eh bakit pinapapasok mo padin ako sa buhay mo? Sana kung hindi mo na gusto yung ugali ko, sana sinaraduhan mo ko ng pinto sa apartment at sa puso mo."

Mmatamlay na sabi niya sabay tayo, aalis na sana siya pero

"Kasi nga mahal kita Carlo. Mahal na mahal kita. Kahit gaano pa kalala yung ugali mo, tatanggapin parin kita. Kahit sumama yung itsura mo, tatanggapin parin kita. Kahit gaano ka pa kahirap, tatanggapin parin kita. Kahit ilang beses moko gamitin, paglaruan, gawing libangan, panakip butas, gaguhin, lokohin, at kung ano ano pa.... Tatanggapin parin kita

Kaya please pagalis mo dito sa apartment ko, wag ka nang bumalik. Kase kahit anong mangyare, tatanggapin parin kita. Oo ganun ako katanga"

--

2
$ 0.00
Avatar for YamceyLou
3 years ago

Comments

Magmahalan ❤️

$ 0.00
3 years ago

❤️❤️

$ 0.00
3 years ago