Tampisaw

0 5
Avatar for YamceyLou
3 years ago
Baruan masangret beach

May namimiss nanaman akong Lugar kung Saan napaka lamig at mainit init na hangin nanunuot sa aking balat, Tahimik ang Lugar, tunog ng alon lamang ang maririnig dito, Kaysarap pagmasdan ang mala Kristal na kulay ng tubig ng dagat. may mala brown na buhangin ito, nakakatuwang isipin na ang mga paa moy marerelax sa buhangin iyong tiatapakan.

Isa itong Pribado, hindi bukas sa lahat ng gustong pumunta. may maximum capacity lang na trenta katao ang pwede dito dahil nga pine preserve nila ang kagandahan ng resort thru schedule dapat ang appointment dito, at dahilan nuon ay dalawang air-conditioning villas at isang kubo lamang ang meron dito. Don't cha worry about sa mga utensils at ref meron na din dito. Food nalang talaga ang pwedeng dalhin o baunin, huwag lang Kalimutan ang Kape, Napakasarap magkape dito sa Umaga.

Sa tanghalian, Si manong caretaker may huling pusit, binili nalang namin for ulam sa pananghalian oh diba saknila din yung ginamit na uling dyan. Ganda talaga ng view dito nakaka inlove dito pramis kaya until now namimiss ko talaga dyan. Kung di lang sa Lockdown siguro nuong summer andyan parin kami.

stolen shot charoot!

tadaaaaahhh!! Tampisaw na tayooo.!! Take note kahit maghubod hubad ka dyan.Keribels lang kase nga kayo kayo lang andyan.

ps. 6k lang po ang rent dyan 2 days and 1 night 😊

4
$ 0.00
Avatar for YamceyLou
3 years ago

Comments