SanaOL !?

0 4

Masarap mabuhay kong may karangyaan kang taglay - pasyal dito pasyal doon, shopping dito shopping doon, kain dito kain doon, bakayonista dito bakasyon doon stress free ika nga. sanaol

Sarap Lumangoy sa dagat,sa Beach sarap Kumain ng pasosyal na Hipon, alimango, pusit at tahong lulutuin sa ngbabagang apoy, malalanghap ang usok aroma na nasusunog na balat ng pusit, kay sarap mamuhay sa ganyang estado ng pamumuhay, kay sarap maranasan, maramdaman kung paano ba mamuhay na may karangyaang taglay. sanaol

Di pa ba napupud-pod ang swelas ng yong sapatos kaka lakad, kaka libot, kaka turo mula timog hangan silangan habang nakahawak sa napakagandang teknolohiya na kumukuha ng litrato sa iyong magagandang alaala, ang sarap tumawa habang naglalakad papalayo sa napakagandang tanawin, abot tenga ang ngiti sa pagkuha ng litrato at ipapamahagi sa sosyal medya, pipitas ng kulay pulang prutas mula sa malamig na lugar, sasakay ng kabayo, mararamdaman ang lamig ng hangin nanunuyot sa balat mong kulay porselana, habang nalalanghap ang amoy ng kapaligiran ay napapawi ang init mong taglay kaysarap tingnan ang napaka asul na tanawin kahit sa pagpikit ng iyong mga matay makikita mo ang liwanag nitong taglay, kay sarap maranasan, kay sarap marating, umikot mag punta sa nakakatakot na lugar, sa dating tahanan ng mga pari at madre, nakakakilabot ngunit tatatak sayong mga labi na kaysarap talaga mabuhay, habang dumidilim ang paligid makikita mong nag kikislapan na ang magagandang mga liwanag sa paligid, sasabog na ang dilim marami ng tao sa paligid, maraming bangketa, paninda, pagkain, kay lamig, lumalamig sa sobrang saya halos lahat ng pamilya at kaibigan ay may dalang mahahalagang bagay souvenir na maipapamahagi. sanaol

Ano madumi na bes? Maputik, Masukal, mabato sige lakad lang, amoyin ang simoy ng hangin, pakinggan ang huni ng mga ibon, habang ang kalamnan ay nagsasakitan na ang sikmuray nag rereklamo na, Kelangan kayanin ang pag akyat para maging maligaya, kelangan maging masaya sa pag ahon sa masukal na daan, kelangan maging masaya habang ang iyong kaisipan nasasasabik masaksihan ang lugar kung saan kabundukan ang nilalakaran pawisan , lumalakas ang hangin, nararamdaman mo ng unti unting gumiginhawa ang pakiramdam mo kung saan nakikita mo na ang magandang tanawin, maulap, ang ulap na tumutulong sayo upang maging maginhawa ang yong pakiramdam, bumababaw ang tinatahak mo, lumalalim ang yong paningin, nakakalula ang ganda, nakakabighani, nakaka limot ng problema na mababangkit mo sa sarili mo na sanaol.

Sasakay sa isang malaking uri ng de makinang Ibon, Kay sarap pagmasdan habang lumulutang, lumilipad at tutungo sa kalapit bansa, kay sarap naman mapuntahan, Hanggan sa tumungtong ang mga mata sa mataong lugar, maninibago, maraming singkit ang mga mata, mapuputi ibang lahi, mukhang may mga tuhod binti at paa na naman ang mapapagod lilibot, lalakad sa bahagi ng malalaking gusali, napakaraming tao sa sentro kay lamig ng paligid, mga mata'y naaakit sa mga disinyong ngayon lang nakagisnan, manunumbalik ang alaala na sanay meron din sana sakanilang lugar na ganito at ganyan, napaka taas ng teknolohiya nilang nagagamit, kay sarap mag shopping ,Lalakad pupunta kung saan nakatira ang isang malaking daga, na sa telibisyon mo lang noon nakikita, mga babaing kay kakaganda, mga binibining prinsesa at may mga prinsipeng nag sasayawan, kay ganda ng pailaw, kay gandang pag masdan kay gandang kuhaan ng magagandang alaala at masasabi mong sanaol.

Natatakam, Naglalaway sa masasarap na uri ng hapag kainan, magaganda ang mga kagamitan, kubyertos na kulay ginto na sasayad sayong mga labi, kay sarap mamuhay sa ganitong estado ng pamumuhay, walang iniisip, walang pinobrolema pero yan ang sabi ng ilan.

Sa buhay kailangan din natin mag enjoy at relax kahit sa loob ng isang taon bilang pasasalamat sa ating buhay na tayoy nag tatrabaho, kailangan din natin mamangha sa buhay ng iba maging inspirasyon ang bagay na dapat ay magawa rin natin sa buhay, huwag natin hayaang magising tayo na sisihin natin ang sarili pag tanda. habang bata pa magtrabaho, mag ipon, magbigay inspirasyon, mamuhay nang masaya, huwag ikulong ang sarili sa mga bisyo o mga bagay na di dapat makasira ng ating pansariling emosyon. Ugaliing magpasalamat sa mga bagay na meron ka,yung iba nga pinagdarasal pa, pero ikaw hawak mo na. sanaol

Panatilihin ang pagiging mapagkumbaba, panatilihin ang pagiging matulungin sa kapwa dahil diyan mababalik ang mga blessings saiyong buhay, hanggat kaya pa natin magtrabaho, magtipid, maglaan ng oras para sa sarili mo, mag ipon, magbadyet para sa sariling pangangailangan at kasiyahan sa buhay, palaging tandaan You only live once. sanaol

please Support to each and everyone mga Bebs! Yakapan tayo! Subs to Subs. Leave comment and suggestion.

Happy Earning and Reading mga Bebs search Buhay Bahaghari on you're Community Bebs post kayo dun. Salamat 💚💜❤️

4
$ 0.00

Comments

Maganda yung article. Sanaol magaling magsulat haha ako kasi puro mema lang sa mga sinusulat ko. Mga walang katuturang bagay kumbaga pero sana nakakapagpasaya din sa iba.

$ 0.00
4 years ago

so much highly appreciated Bebs ❤️💜💚

$ 0.00
4 years ago

Kawawa Yung mahihirap Kasi kayod nga kayod para may makain Lang kahit papano pero Yung nkaka angat sa buhay walay problema Panama Sana all ka talaga.

$ 0.00
4 years ago

mapapasana all ka nalang talaga beb ❤️💜💚 godbless you more 🤗

$ 0.00
4 years ago

May iba talaga ganun shempre sila Yung nakaka angat sabuhay kaya nagagawa nila gusto nilang gawin pasarar Lang sa buhay

$ 0.00
4 years ago

Kaya hindi ako masyadong nag.so.social media kasi lagi akong napapa sana all eh. Hahaha

$ 0.00
4 years ago

Hahah True Beb, Keep doing Great! Have a great day ❤️💚💜

$ 0.00
4 years ago

Sana all napakaganda ng buhay. Ako kasi lumaking mahirap walang makain. Minsa n nanghihingi sa kapitbahay. Pero nung nagsimula akong magsumikap umayos ang buhay namin kumakain na kami tatlong beses sa isang araw.

$ 0.00
4 years ago

Napakasarap mabuhay, Napakasarap makamit ang minimithing Pangarap lalo na kung ito'y pinaghihirapan. Maraming salamat sa yong napakagandang karanasan. You deserve all, may god bless you more 🤗

$ 0.00
4 years ago

Lahat naman tayo may pagasang umunlad kung gugustuhin natin sa pamamagitan ng pagsusumikap. Gawin nating inspiration ang ating mga magulang at mga kaibigan para sila magbigay ng lakas

$ 0.00
4 years ago

Hi JohnJohn. Tama ka sa mga desisyon mo sa buhay, huwag mong kalimutan ang nasa taas. Maniwala ka sa yong kakayanan. Mabuhay ka!

$ 0.00
4 years ago