Salapi o Pag-ibig

4 11
Avatar for YamceyLou
3 years ago

hindi raw nabibili ng pera ang pag-ibig?

marahil ito'y nananaig

sa iilan nalang dito sa daigdig

dahil pera na ang tinitibok ng karamihang dibdib.

sapagkat ngayon ang batayan

ay kung gaano karami ang kayamanan

kung kaya mo ba syang bilhan

at maibigay ang karangyaan

ala-ala o pera?

pumili ka sa kanila

pag-ibig o kayamanan?

wag ka sanang mag-alinlangan

sagutin mo nang mabilis,

mga titig mo ay huwag mong ilihis.

itong mula sa aking isipan

kaya't patawad kung may kababawan

hindi ba mas masarap

na kasama nyong aabutin ang pangarap

hindi yung handa kang magpanggap

dahil nasa kanya ang yamang hanap.

malungkot ang katotohanan

na maski pag-ibig ay nababayaran

hahanapin sa iba ang kinabukasan

at ang may puso ay handang iwan..

3
$ 0.00

Comments

Sa panahon ngayon kelangan maging Praktikal lalo na sa ating pinagdaraanang krisis. salamat sa pagkomento.

$ 0.00
3 years ago

Mas maganda na salapi at mas pinakamaganda kung pareho ninyong pagtitibayan at paghihirapan ang mga bagay para maging successful! Keep on shinning! ❤️

$ 0.00
3 years ago

❤️❤️❤️

$ 0.00
3 years ago