Salamin

0 3

Maliwanag, malinaw, maaliwalas, napapamangha ang bawat napapasilip dito, napapangiti, napapa kindat, napapasayaw o napapakanta at marami ang napapabilib, lumalakas ang kumpiyansa sa sarili, ngunit animo'y mag nagtatagong lihim sa likod nito.

Sa pag sapit ng Umaga mapapatingin ka sa bawat sandali, Kay gandang pagmasdan, kaakit akit ang nakikita sa bawat sulyap, makinis, mala porselana ang kutis, may mahaba, malago at makakapal na buhok, namumulang mga labi, namumulang mga pisngi na animo'y isang bagong sibol na rosas.

Katanghalian mapapasilip, mamangha ngunit magtataka bakit parang bumabahid na ang init ng panahon sa iyong mukha, gumuguhit na ito sa iyong mga mata na para bang may nagbabadyang kalamidad sa iyong damdamin,mararanasan ang pait at kasiyahan sa iyong mapupulang labi.

Dapit Hapon unti unti ng nakakaligtaan ang pagsilip at pagdungaw sa mapuputing mga ngipin at itoy nakakalagas na, dumarating na ang mapuputing mga buhok, kumukunot na mga noo, nangungutim na bilogang mga mata, lumalalim ang isipan sa mga bagay na dapat isa ayos na ang lahat.

TakipSilim minsan napasilip, napangiti, napailing na tapus nanaman ang lahat, naranasan ang kaligayahan at kapaitan na dinanas sa buhay. Pipikit na may pagpapasalamat sa natagumpayang kapalaran. Bumuntong hininga malalim, ibinalik sa isipan ang naganap sa mahabang panahon ng pakikibaka sa buhay, napangiti dahil sa buhay mo meron kang pinangarap para sa kanila, nagawa mo ng maayos at lubos. Maari ka ng matulog ng mahimbing tapus na ang paghihirap ng mga panahong ikaw ay malakas pa.

Thanks for reading 🤗 Leave comments and Subs na din Like mga Bebs Please Support ang Buhay Bahaghari Community ❤️💜💚

1
$ 0.00

Comments

Maganda to.

$ 0.00
3 years ago

thanks beb, ❤️💜💚 godbless you more. Ingat

$ 0.00
3 years ago

It's up to you on how you manage your self. Ikaw Lang din Naman makakatulong pagdating sa ganyang bagay eh

$ 0.00
3 years ago

thanks for the advice 🤗

$ 0.00
3 years ago