Sabi ko na Barbie!!

2 6

Sadyang napaka Unfair ng mundo, mapanukso, mapanlait, nakakadismaya, nakakalungkot minsan sa isang iglap di mo maiiwasang mapaluha sa sakit na nararamdaman. Sanayan ang labanan, Tiisin ng samu't saring nararamdaman sa'yong kalooban, tiisin ang pighati sa nakakalungkot mong mundo, minsan naisip mong umalis nalang dito pero pano naman sila.

Pagmamahal pa rin ang nananahan sayong puso, Pagmamahal na kahit di mo naramdaman sa iba ay ipinararamdam mo naman sakanila, Ang Pang aabuso sayong pagkatao ang magiging daan, solusyon o paraan para maging matapang sa haharapin pang bukas, di kailangan maghiganti, hindi kailangan sumumpa, hindi kailangan manakit Kundi pagmamahal parin ang nais.

Napakatamis, Nagbibigay ngiti sa ating mga labi, pero kinukutya ng kung sinu-sino, ano ba sila? ano ba kami? kasalanan bang maging ganito kami? kampon daw ni satanas! kampon daw ng demonyo? Kung kabilang ang kapatid mo sa isang ganitong federasyon magiging masaya kaba?

Pagmamahal lang naman ang hinahanap namin, pagiging pantay sa bawat isa, pakikipag ugnayan, pakikipag kapwa tao, at pakikipag kaibigan.

Tao din po kami, Nasasaktan, Nagdaramdam Naumaasa na may bagong darating na Makulay na Buhay. ❤️💜💚

Please Support, Leave comment and Subs to Subs po 🤗 virtual hug everyone 🤗 Keepsafe 💋

1
$ 0.00

Comments

Di po mawawala mga manlalait dito sa mundo natin siguro kahit nong Wala Pa tayo sa mundong to may mga Tao ng ganun.

$ 0.00
3 years ago

that s the reality beb ❤️💜💚 spread the love

$ 0.00
3 years ago