Rossana

0 6

(RatedSPG)

ang nilalaman ng article na ito ay sensitibo na di angkop sa mga taong di bukas ang kaisipan.

Maymahabang buhok, Balingkinitan, Malaporselana ang kutis, may maamong mga mukha, mapupulang mga labi, mapupungaw na mga mata isang babaing marikit na halos lahat ng kalalakihan ay bilib at Hanga sa taglay nyang Ganda.

Siyay mahirap lamang, Panganay sa anim na mgkakapatid, nagtapos sa mataas na paaralan hindi na nakapagkolehiyo dahil siya na ang umako sa mga kapatid, wala ng magulang.

Sa hirap ng buhay naghanap ng magandang trabaho, ngunit sa kanyang edukasyon ay napipili ang tapos ng kolehiyo,

Sa isang kaibigan, pinakilala sya na may naghahanap bilang isang entertainer sa japan, Pinag isipan nya ito, lumipas ang ilang buwan, Buo na ang kanyang desisyon.

Lumipad patungo sa Lugar kung saan maraming Hapon, maraming mapapalad at maraming masasayang pangyayari ang kanyang nagisnan, Naging masaya, kumita ng malalaking halaga nakuha ang lahat, ginto, sasakyan at iba pa. Nakapagpatayo ng bahay, napag aral ang mga kapatid, napaka rangya ng buhay.

Sumunod ang ilang taon, inabuso ang sarili, nalulong sa sugal, ngbisyo, nakilala ang droga at ngkapatong patong ang utang, hanggan sa lahat ay nagbago.

Umikot ang mundong na sanay hindi nya binitiwan at Lumipas ang ilang mga taon...

Madilim ang paligid, malamig ang gabing bumabalot sa kailaliman ng dilim, nangingilid na mga luha, mga luhang hindi alam kung anong emosyon bumabalot sa kanyang pagkatao, nakatingin sa kawalan, di mo wariy napakalalim ng iniisip, gigil na mga ngipin, Kumakalam ang natitiis na sikmura, makikita mo saknya na batid nya ang pagod sa kanyang pinagdaanan sa buhay, nanlalamig, nanginginig, hindi alam kung saan hihingi ng tulong, di maka sigaw, di maka galaw, di alam ang gagawin sapagkat wala na ang tino ng kanyang pag iisip.

Takot ang nararamdaman sa tuwing makakakita o may kakausap sakanya. Nakakaawa ngunit paano at ano bang nangyari sakanya? mga tanong ng iilan,

  • Siya ang babaing Japayuki nalulong sa droga, ginahasa, nabuntis, kinuha ang anak saknya dahil labis na ang kanyang pang aabuso sa sarili, hanngan sa nakulong, nakalaya inulit ulit ang masamang gawain, iniwan ng mga kapatid, hanggan sa unti unti na syang nawalan ng emosyon at pag uunawa. - yan ang sabi ng iba.

Nakakahabag makita sya sakanyang estado sa buhay, ngunit di mo rin sya magagawang sisihin dahil yun ang kanyang tinahak o napili sa kanyang kapalaran.

Ang tao ang gumagawa ng Kapalaran, Magsumikap upang marating ang mithiin o Pangarap sa buhay. Ang masamang gawain o bisyo ay isang malaking kapahamakan sa buhay.

Muli ito ay aking kathang isip lamang. Maraming salamat sa Suporta ❤️

1
$ 0.00

Comments

Grabe makabagbag damdamin naman to. Pero sa totoo lang nagyayari talaga yung ganyan sa totoong buhay. Nakakalungkot lang isipin.

$ 0.00
4 years ago

Tao ang gumagawa ng Kapalaran, hawak natin ang ating buhay, Pagyamanin ito ng naayon sa ating tamang Kaisipan, Gamitin sa wastong pamamaraan ang ating kayamanan. Muli maraming Salamat sa yong Suporta! ❤️

$ 0.00
4 years ago

This article is very mindful. Your writing skills is very different. Carry on your writing skills. I think you write again.

$ 0.00
4 years ago

Highly appreciated. my pleasure thank you ❤️

$ 0.00
4 years ago