Nasa huli Ang Pagsisisi

0 7
Avatar for YamceyLou
3 years ago

“YES, BABE... UGHH.”

Ungol ng babaeng hinahalikan ko dito sa apartment ko.

Naghalikan lang kami at ang kamay ko'y napupunta na sa iba't-ibang parte ng katawan niya.

Bumukas ang pinto at nakita ko si lincy, ang girlfriend ko.

Pilit na ngumiti siya at nilagpasan kami.

Pinutol ko ang halikan namin. "Umuwi ka na."

“Ano?! Ayaw ko. Bitin naman e.” Reklamo niya.

Hinatak ko na siya palabas. Wala na akong gana.

Pumunta ako sa kusina at nakita ko si lincy na nagluluto pero rinig ko ang hikbi niya.

“Hindi na ako kakain. May pupuntahan ako.” Ani ko kaya agad niyang pinunasan ang mga luha niya.

“A-ano? Uhm, k-kain kana muna.” Basag ang boses niya.

“Hindi na.”

Umalis ako roon at kinaumagahan na rin nang bumalik. Galing ako sa bar.

Nakita kong natutulog si Lincy sa sofa. Narinig niya atang bumukas ang pinto kaya nagising siya.

“A-Andrew? Buti nakauwi kana, kagabi pa kita hinihintay.” Sabi niya at akmang yayakapin ako pero nilagpasan ko lang siya.

“K-kumain ka na ba?” tanong niya.

“Hindi ka ba napapagod?” Agarang tanong ko.

“H-ha? Bakit naman ako mapapagod?”

“Don't act as if we're still fine. Our relationship isn't working anymore. We should stop this.”

Nakita kong pumatak ang mga luha niya.

“O-okay naman tayo ah? H'wag n-nating itigil ito... mahal kita, Andrew.”

“But have you ever asked me if I still love you? Lincy, wake up. Hindi na kita mahal so please leave. Wala na tayo.”

“H'wag, Andrew. Ayaw kitang iwan. Gawin mo lahat ng gusto mo, but please don't leave me. Mahal na mahal kita... 'Wag mo 'kong iwan. Please.” she pleaded.

I hurt her, I scolded her and I showed her if how useless and worthless she is. But she stayed in my life longer.

Umuuwi akong lasing, at humahalik ako ng babae sa harap niya pero hindi siya nagreklamo. Nagdadala ako ng babae sa bahay at kinakama ko ito sa mismong kama namin.

Until one day, I was about to go to bar and find for another bitch to fuck but I took a look at her deeply and I saw how tired she is. Marami na siyang pasa at ang lungkot-lungkot ng mga mata niya. Nangangayayat na siya.

Ito ba ang ginawa ko sa kaniya? Ganito ba ako kasama?

Nagising ako sa katotohanan. Naging hangal ako dahil ginawa ko sa kaniya 'yun.

Napagtanto kong mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya at wala akong balak na palayain siya.

“Maraming pinagdaanan, pero sa simbahan pa rin ang tuloy.”

“Oo nga e. Bagay sila.”

"Buti na lang sila ang nagkatuluyan.”

“Masaya ako para sa kaniya.”

Bulong-bulungan ng mga iba pang saksi dito.

“Do you take Lincy Lee as your lawfully wedded wife?” asked by a priest here in the church as the ceremony began to start.

‘Yes, father, I do...’ I whispered in the air.

“I do,” nakangiting sabi ni Andrei, ang k-kapatid ko.

Ganoon din ang naging sagot ni Lincy kay Andrei.

They look happy together,Lincy looks happier with my brother... and it is really tearing me apart.

Kung kailan wala na akong balak palayain siya, saka siya sumuko sa aming dalawa.

Ang gago ko nga kasi talaga e.

Ginawa ko 'yun tapos ngayon magsisisi ako dahil hawak na siya ng iba, at kapatid ko pa talaga.

Sinaktan ko ang babaeng walang ibang ginawa kundi mahalin ako.

Sinayang ko ang babaeng nagmamahal sa akin ng totoo.

Pinasuko ko ang taong wala akong balak sukuan.

2
$ 0.00
Avatar for YamceyLou
3 years ago

Comments