Taong June 26,2005
Third year high school ako ng mga panahong ito at naka dalawang linggo palang kami bago ng start ang Eskwelahan sa aming School sa Kadiwa,
Masasayang mga kaklase, maraming akong bagong nakilala at mga nakakatuwang mga Leksyon ang aming napag aaralan, Same padin naman ang aming guro kaya di kana mag aadjust ng konti. Enjoy ang high school kung baga lalo nat nasa Pangatlong taon ng pag aaral, buti na lang at di ko naranasan ang k-12, siguro kung maranasan ko man ito ay sisiguraduhin kong mas magiging masaya dahil mahabang panahon ng pag aaral.
Pag uwi ng bahay Kinahapunan wala ng kuryente sa bahay, ang bahay namin ay isang iskwater area dito sa Navotas, Oo proud akong iskwater dahil dito ko natutunan ang nga bagay kung ano ang tunay na mundo at kung ano ang totoong mahirap sa buhay na makakasalamuha mo at makikipagkapwa mo, Masaya sa aming lugar lalo na kapag may Okasyon gaya, ng may fiesta, birthday, atibapa.
Kinagabihan, madilim dahil nga sa walang kuryente, Kelangan matulog ng maaga dahil pa papasok pa bukas ng maaga, malamok sa aming tahanan, wala pa ang aking mga kapatid dahil nga mas gugustuhin nilang makipagbarkada kesa maburo sa bahay.
Init, nakakapagpawis ang init ng gabing yun hanggang sa makatulog nalamang ako sa aming maliit na kwarto na gawa ni ama.
alas dos ng Madaling araw, Naalimpungatan ako na natataranta ang aking Ina, sumisigaw ang aking ama na magbalot na, Ginising kaming mg kakapatid,
'Sunog mga Kapit bahay!!! "
yan ang sigaw ng aming mga kapitbahay, habang natataranta sila sa paghakot ng kani kanilang gamit, Nakikita ko na ang Usok, nalalanghap kona, Apat na Bahay o Lima ay malalamon na din kami ng Nagliliyab na Apoy nito.
Nataranta na kami, Kinuha ko ang Uniform at gamit ko sa pag aaral at iilang damit, kinuha ko ang mga gamit hanggan sa makakaya ko, Siksikan sa eskinita at Napakaraming tao, Takbuhan, Sigawan, Tarantahan at Nag iiyakan.
Sa Kalayuan, nararamdaman ko ang init nadala nito habang ang ingay ng Sirena ng bumbero ang umaalingaw ngaw sa aking kaisipan ...
Lumiliyab, sumisiklab, Nag iinit, Nag babaga, at Nagbabadya ng lamunin ng apoy ang aming tahanan, maririnig mo ang pagsabog ng tangke ng gas, at kung ano anong bagay ang maririnig mong sumasabog,
Nanginginig ang aking laman habang nakikita ko ang aking inang umiiyak at si tatay naman ay napapa iling na lamang, habang mgkakayakap kaming mgakakapatid,
Dumating na angHaring araw at Natupok na dinabg Apoy halos dalawang libong kabahayan ang Natupok ng Apoy,
Heto ang mga araw na Parang bangungot na di ko malilimutan mag pa hanngan ngayon.
Di ako nakapasok ng ilang araw, Pero mas nanaig sa akin ang pag aaral kahit na may malaking Paghihirap ang aking tinamasa nuon.