Indak ng Kapalaran

0 4

Kinse anyos palang si Antonio nangarap na syang maging isang Maestro ng isang mataas na Paaralan, Sa hirap na taglay na pamumuhay, natigil sya sa pag eskwela o pag aaral, mahirap ang buhay ng pamilya ni antonio, nangangalakal lamang ang magulang niya, kapos sa pag aaral, kulang sa pagkain, kaya mas inuuna nila ang magkalaman ang sikmura, may tatlo syang maliit na kapatid, hindi na rin nakapag aral, Nangako si antonio sa sarili na iaangat nya ang lugmok nilang paghihirap, babangon sya at mangangarap.

dahil sa menor de edad pa lamang sya, hirap pa syang makahanap ng mapapasukan trabaho.

Tinulungan sya ng kanyang tyuhin na isang kargador sa palengke at ipinasok sya dun.

Kayod, buhat ng mga bagahe ang dinanas nya sa kanyang trabahong mabibigat.

Fiesta sa bayan nuon at may nghahanda ng paligsahan. habang ng hahanda ang lahat may isang grupo ng kalalakihan na ng eensayo ng sayaw para sa gaganaping selebrasyon mamayang gabi. habang ng papahinga, Pinanuod nya ito, at napapindak, sinasabayan nya ang magandang awitin, hanggan sa makita sya ng isang leader o tiga pag turo ng sayaw, at napahinto ang pag ensayo at napatingin sakanya ang anim na lalaking ng sasayaw.

Nilapitan sya nito. inalok kung gusto nyang magback up dancer dahil kulang sila ng isa para maging pito ang grupo.

Nagdalawang isip pa sya nung una. at kalaunan napapayag na din sya.

Kinagabihan ng hahanda na ang lahat para sa isang selebrasyon, masaya ang lahat, maingay at may maliliwanag na ilaw ang namamayani sa kadiliman ng gabi. Handa na ang lahat sa sayawan. gayunpaman syay kinakabahan dahil sa unang pagkakataon ay makakasayaw sya sa maraming taong manunuod at naghihiyawan.

Ramdam nya ang hiya. ng palakas ng loob nya ang kanyang mga Kasamahan sa grupo at kanyang mga kapatid na manunuod Din.

Sila na ang sasayaw. Na enjoy nya ang bawat tugtog sa bawat pagkilos ng kanyang katawan. mabilis, may mataas na enerhiya syang nararamdaman sa kanyang paghataw, masaya ang kanyang naramdaman bawat saliw ng musika. bawat paglundag at bawat pag ikot ng kanyang katawan.

Sila ang nagwagi sa patimpalak na iyon,

Naulit iyon ng kanyang mga kagrupo, Hanggan kung saan saan silang patimpalak o pacontest sumasali.

Hanggan sa makasali sila sa mga programa Telibisyon, Kung saan saang lugar na sila na punta, at ngsayaw, nakilala ang kanilang Grupo, hanggan sa maging international na ang kanilang humahawak.

Sa nakalipas na Panahon, Ngayon isa na syang Nagtuturo ng Sayaw sa isang Dance School sa California. Nadala na rin nya ang kanyang Pamilya sa amerika.

Nangarap maging isang Guro.Nangarap maka ahon sa hirap, Nagtiis, Nagtyaga, ngayon ay natupad na rin ang kanyang inaasam asam.

Mangarap, Magsikap hanggan sa maabot ito. Kung may tiyaga may Nilaga. ika nga 💛

1
$ 0.00

Comments