Huling Sayaw

0 6
Avatar for YamceyLou
3 years ago

Ito na ang ating huling sandali~

Hindi na tayo magkakamali~

“Ok ka lang babe?” tanong sakin ng girlfriend ko na si Ashley habang isinasayaw ko siya. Ngayon ang 18th birthday niya at ako ang last dance niya.Napaka ganda niya lalo ngayon,nakasuot siya ng pula at makinang na gown habang ang buhok niya ay nakakulot at nakabagsak lamang at may nakapatong na flower crown sa kaniyang ulo

“Nakatulala ka lang kase habang naka titig sakin,may dumi ba ko sa mukha?P-pangit ba ko?”dagdag pa nito.

Kase wala ng bukas~

Sulitin natin ito na ang wakas~

Kailangan na yata nating umuwi~

Nginitian ko lang siya ng tipid. “Hindi,napaka ganda mo nga lalo ngayon e HAHA” Ginantihan niya naman ako ng pagkalaki laking ngiti tsaka ako niyakap.Pinipigilan ko ang pagpatak ng luha ko,dahil ayaw kong makita niyang umiiyak ako.

Hawakan mo aking kamay bago tayo maghiwalay~

Lahat lahat ibibigay, lahat lahat~

“Napakasweet mo naman babe,kaya mahal na mahal kita e HAHA” bulong sakin ni Ashley kaya napangiti ako bigla.

“Mas mahal kita,baby kita e” yun ang sinabi ko sa kaniya,kaya mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sakin habang nagsasayaw parin.

Paalam sa'ting huling sayaw~

May dulo pala ang langit~

“Babe ok ka lang ba talaga?”muling tanong sakin ni Ashley

“A-ah o-oo naman”nauutal kong sagot saka ko siya nginitian ng peke

Kaya't sabay tayong bibitaw~

Sa ating huling sayaw~

“Eh bakit ka umiiyak?”hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha mula sa mga mata ko kaya agad ko itong pinunasan.

“ha?h-hindi ah,hindi n-naman a-ko umiiyak”pagtanggi ko sa sinabi niya

“Anong hindi e nakita ko lumuha parehas mong mata”aniya

“Tears of joy lang yun hehe”pagpapalusot ko,sana bumenta

Di namalayan na malalim na ang gabi~

Pero ayoko sanang mag madali~

Hindi niya pinansin ang sinabi ko subalit tumingin siya sa may itaas ng pintuan,kaya napatingin din ako doon.May malaking orasan dun,pero hindi ko tinignan kung anong oras na kaya ibinalik ko ang tingin ko kay Ashley.

Kay tamis,kay sarap ngunit ito na ang huli~

Kailangan na yata nating umuwi~

“Babe,Ashley.”pagkuha ko ng pansin sa kaniya,habang siyang nakatingin sa orasan

“Bakit babe,Klyde?”tanong niya sakin ng makuha ko ang atensiyon niya

“Anong birthday wish mo?”tanong ko sa kaniya,para may mapag usapan lang

“Wish ko?mmhh...sana makasama kita habang buhay”sinabi niya yun sakin habang nakatitig kami sa isa't isa at saka siya ngumiti kaya napangiti din ako habang pinipigil ang sarili na umiyak

Hawakan mo aking kamay bago tayo maghiwalay~

Lahat lahat ibibigay,lahat lahat~

Sumisikip ang dibdib ko kaya napatingin ako sa orasan,tinignan ang oras.11:57 na pala.

Ibinalik ko lang tingin kay Ashley, napansin kong napatingin din pala siya sa orasan,saka niya ibinalik ang tingin sakin na para bang nagtatanong kung anong meron.

Paalam sating huling sayaw~

May dulo pala ang langit~

Kaya't sabay tayong bibitaw~

Sa ating huling sayaw~

Sumisikip na talaga ang dibdib ko kaya napatigil ako sa pagsayaw sa kaniya at napahawak sa dibdib ko.

“Babe,ok ka lang ba talaga?May masakit ba sayo o ano?”nag aalalang tanong niya.Ibinalik ko nalang ang kamay ko sa bewang niya kaya ibinalik niya nalang din ang mga kamay sa balikat ko.

“A-ah ok lang nga ako babe”sagot ko sa kaniya,ngunit mukhang hindi bumenta.“Babe,Ashley pwede bang payakap?”sabi ko sabay ngiti sakanya.

“Ha?oo naman”sagot niya sakin kaya agad akong yumakap sa kaniya habang sinasayaw siya.

Bumalik kami sa posisiyon sa pag sasayaw.Sobrang sakit na talaga ng puso ko,Meron akong sakit sa puso,malala na ito.Hindi alam ni Ashley ang tungkol sa sakit ko,ayaw ko siyang mag alala sa lahat ng kilos ko,ayaw kong makita siyang umiiyak kaya hindi ko pinasabi sa kaniya.May taning na din ang buhay ko mamaya sakto Alas dose tapos na ang buhay ko.Sinubukan naming ipaopera,andami naming pinuntahan na mga ospital pero iisa lang sinasabi nila. “bagong puso” kailangan ko ng bagong puso,sinubukan naming maghanap ng donor pero walang nag mamatch sa'kin kaya tinanggap ko nalang ang katotohanan na mamaya lang sakto alas dose,patay na ko.Tinignan ko ang orasan,at hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko. 11:58 na ilang minuto nalang na makakasama ko ang taong mahal ko.

Tinignan kong muli si Ashley saka nginitian.Napakasakit na ng puso ko kaya napatigil ako sa pagsasayaw.

Paalam sa'ting huling sayaw,may dulo pala ang langit~

“Babe?Klyde?Ano nangyayari sayo?”Tanong sakin ni Ashley na nag aalala dahil sa inaasta ko.Umiling ako sa kaniya at muling yumakap.

Kaya't sabay tayong bibitaw sa ating huling sayaw~

Habang nakayakap nagsisituluan na ang mga luha ko,hindi ko na yun mapigilan

“Babe,bat ka ba umiiyak?naiiyak din tuloy ako,masaya ka ba kaya ka naiyak?”aniya,ngunit di ko nalang sinagot ang tanong niya.

“Babe,Ashley.Masaya ako nakilala kita,masaya ako na nakasama kita sa loob ng tatlong taon”

“Thank you ako den masaya tuwing kasama kita”aniya saka umiyak din.

“Salamat sa pag aalaga,salamat sa pagmamahal.Salamat sa lahat.Sana makahanap ka ng papalit sakin,yung aalagaan ka ha yung di ka sasaktan,yung bibigyan ka ng magandang buhay” umiiyak kong sabi na ipinagkata niya kaya napaalis siya sa yakap ko at tinitigan ako sa mata.

“N-nakikipaghiwalay ka na ba?M-may kasalanan ba ko?M-may pagkukulang ba ko?S-sabihin m-mo lang p-pupunan ko yun,wag mo lang ako iwan” umiiyak niyang aniya kaya napahagulgol na ko sa pag-iyak

Paalam sa'ting huling sayaw,may dulo pala ang langit~

“K-kung p-pwede lang sanang m-manatili ako h-hinding hindi k-kita i-iiwan”Sabi ko sakaniya,sobrang sakit na ng puso ko ilang segundo nalang patay na ko.

“Ha?H-hindi ko maintindihan” aniya

“B-basta tandaan mo,w-walang a-araw,walang o-oras,w-walang m-minuto,walang s-segundo na h-hindi k-kita minahal.P-pero kailangan ko na talagang m-magpaalam sayo.M-malaya ka na”sabi ko sa kaniya habang umiiyak.Hindi na ako maka hinga

Kaya't sabay tayong bibitaw sa ating huling sayaw~

“Klyde...”

“wala na kong oras mag paliwanag,salamat sa lahat,mahal na mahal kita,Happy Birthday.” sabi ko habang dahan dahang bumabagsak ang katawan ko

“Klyde!” tanging sigaw niya lang ang huli kong narinig,basta ang alam ko sakto alas dose natapos ang buhay ko.

edited;

📌——;sorry kung di masiyadong maganda, I'm still practicing pa naman e.

🖋——;I need your support, thank you

3
$ 0.06
$ 0.06 from @TheRandomRewarder
Avatar for YamceyLou
3 years ago

Comments