Haligi ng Tahanan

0 8
Avatar for YamceyLou
4 years ago

sa apat na sulok ng ating tahanan, may tinatawag tayong haligi, ito ay ngpapatibay ng pundasyon at lakas ng ating tahanan,

Ang ating tunay na idolo, bayani, nagbigay buhay, nag ahon sa hirap, responsibilidad at kaalaman para maturo ang tunay na buhay sa labas ng tahanan.

Nagsumikap para mabuhay, Naglingkod kanino man, ng trabaho sa ibang lugar o karatig bayan upang mai raos man lang ang hirap sa kanyang pamilya.

Yung tipong isusubo nalang para malagyan ang kanyang sikmura, ipapamahagi pa nito sa kanyang anak, Dugo at pawis ang inilaan para maisalba ang mahirap na buhay ng nakagisnang pamilya,

Pinipilit umahon sa hirap na dinanas, ganun paman di nya matitiis ang kanyang mga anak at asawa para makamit ang mithiin sa buhay.

Nagsakripisyo sa ibang Bansa, Upang mapag aral ang kanyang anak, upang guminhawa sa buhay at makamtan ang kanilang pangarap sa kanilang anak.

Gutom,Uhaw at Pagod ang inilalaaan sa araw araw para maisalba ang sikmurang ng huhumiyaw maipaglaban ang kanilang responsibilidad bilang isang Ama.

Binatang Ama, Babaing Ama O Binabaeng Ama Taos puso kaming Nagpapasalamat sainyong Kabutihang Loob, Sakripisyo at Buhay na ipinagkaloob ninyo sa amin, Hindi lang ngayon araw kami magpapasalamat kundi Araw araw, Kayo ang idolo at ang aming tunay na bayani, Mabuhay kayo!!.

1
$ 0.00

Comments

Mabuhay ang mga haligi ng tahanan

$ 0.00
4 years ago