3 am Challenge

0 3
Avatar for YamceyLou
3 years ago

"Hey, kurt"

dahilan para mapalingon ako kay kyron

" uy, pre musta na " agad kong sagot sakan'ya

" eto pre okay lang, nga pala ano g kaba mamaya 3am challenge sa isang haunted school? "

Di na nag dalawang isip si kyron at agad na siyang sumagot ng "Oo" dahilan para maghanda sa gagawing challenge

Umuwi na ko para makapag handa narin sa gagawin naming challenge

----------

tapos na kong mag handa at agad akong pumunta sa bahay ng kaibigan ko, agad ko namang tinawagan si Kyron

" kyron, pre asan kaba?" Ngunit nagtataka ako dahil sobrang tahimik ng bahay nila at maya maya pa

" BULAGAAA!"

"ano ba kyron kanina pa ko tawag ng tawag sayo di ka sumasagot para akong tanga kaka sigaw"

" wushuu nagulat kalang e "

"sira bat naman ako magugulat tandaan mo ikaw yung matatakutin sating dalawa osiya tara na nga pumunta na tayo don"

At agad na sumakay kami ni kyron sa kotse

" ano pre ano gusto mong music? "

At agad na nag isip si kyron

" Ah, pre alam ko na yung VVS "

At plinay ko na ang music

" ayan ba yon pre yung walwal by vvs "

"oo pre yan yon haha salamat "

12:30 ng madaling araw ng makapunta kami sa sinasabi naming haunted school kaya agad kaming bumaba sa sinasakyan

Nagsalita si kyron at bakas sa mukha niya ang takot

"Uy, pre seryoso kabang gagawin natin to? "

" Oo naman pre sinasabi ko na e wala pa nga tayo sa loob takot kana agad "

" osiya sige na kurt ikaw na po matapang "

at agad akong napahalakhak

"HAHAHA, sira ka talaga pre arat na sa loob "

-----------

At ngayon nasa unang palapag kami ng school at pansin ko na medjo nangangatog ang mga tuhod ni kyron at nung aktong pupunta kami sa elevator may sinabi si kyron

" Kurt, sira kaba sira na yang elevator at di na nagana kailangan talaga nating umakyat sa mga hagdan "

nag simula na kaming umakyat

----------

" badtrip naman pre nakakapagod umakyat "wika ni kyron

" shh okay lang yan pre tara dito sa cr pre ilabas muna yung mga gamit "

at agad nilabas ni kyron ang isang manika,isang pulang sinulid,bigas at gunting

" ako gagawa pre ganto yan "

Para simulan ang laro ginupit ko ang manika at tinangal ang mga laman nito at pinalitan ng bigas nag gupit ako ng kuko at inilagay sa loob ng manika pagkatapos tinahi ko ito habang ang bath tub ay puno na ng tubig inihanda naman ni kyron ang tubig at ang tubig na ito ay may tinunaw na asin upang gamitin sa manika para talunin ito

Nakatingin si kyron sakin habang hawak hawak ko ang manika na gagamitin para sa challenge

"Kurt, wag nalang kaya natin gawin iba na nararamdaman ko" wika ni kyron

"Pre, ano kaba nandito na tayo tsaka kapa aatras simulan na natin to"

"alam mo wag na natin ituloy baka ano pa mangyare satin e " wika ni kyron

"Shhh, kalang pre hindi naman to totoo ita-try lang natin"

Para masimulan ang challenge kinuha ko ang manika at habang nakapikit ako binabangit ko ang ngalan ng babaeng namatay sa school na'to

"Anna, anna, anna,"

Pagkatapos ko bangitin ang pangalan sinaksak ko ang manika ng tatlong beses at itinapon ito sa bath tub bago kami manakbo at mag tago naglagay kami ng tubig na may asin saming bibig ito yung gagamitin namin para matalo ang manika ngunit nag kahiwalay kami ni kyron nanakbo siya pakanan at ako naman ay pakaliwa pumasok ako sa room at iniharang ko sa sarili ko ang lamesa upang hindi ako makita ng manika habang nagtatagal ako sa kinatataguan ko mas lalo pa akong kinakabahan nanlalamig na ko at pawis na pawis at lumalalim narin ang pag hinga ko, maya maya may narinig akong pintuan na bumukas dahilan para mas umigting pa ang takot ko kaya't kinuha ko ang cellphone ko para itext si kyron kung nasa'n siya

To; kyron

Pre, asan kana ba nandito ako sa room ikaw ba yung pumasok dito?

Time; 3:20am

Kaya naisipan ko munang yumuko sa kinatataguan ko habang nag aantay sa reply ni kyron, ngunit sa kasamaang palad wala akong narecieve na texts galing kay kryron kaya mas minabuti ko munang pumunta sa pintuan para sumilip ngumit napaka tahimik at tanging kuliglig at ihip lang ng hangin ang aking mga naririnig, pabalik na dapat ako nang biglang may malakas na sigaw akong narinig na nangagaling sa library, nang marinig ko ang sigaw na yun agad ako pumunta sa library ngunit di pa man ako nakakapasok ay may likido akong naapakan kaya't ibinaba ko ang aking kamay upang tignan kung ano ba ito, at ng inilawan ko ito gamit ang cellphone ko naidura ko ang tubig na nasa bibig ko dahil ang likidong naapakan ko ay isa palang dugo, laking taka ko kaninong dugo to tinawag ko si kyron

"K-kyroon? A-asan kabaaa? Pree?"

Sa kadahilanang walang sumagot kaya mas minabuti ko na pumasok sa library ngunit habang papalapit ako ng papalapit ay siya namang padami ng padami ang dugo na naaapakan ko at sa wakas nasa loob na ko ng library ngunit wala naman don si kyron nagtagal ako sa loob pinagmasdan ang paligid maya maya ay may tumulong dugo saaking balikat dahilan para mapatingin ako sa taas nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si kyron na naka bigti at tila hati ang katawan ng makita ko yun nagsimula ng lumuha ang mga mata ko at galit na galit dahil sa nangyare

"Shitt, s-sorry kyron d-dapat pala di ko nalang tinuloy to pero k-kailangan kong tapusin to"

Kinuha ko ang plastic bottle na may tubig at asin at naglagay muli ako sa bibig at nagsimulang hanapin ang manika, at ngayon nasa ikatlong palapag na ko ng school isa-isa kong chineck ang bawat room

unang room isang lamesa na maraming dugo na para bang may tinorture

kalawang room walang kagamitan sa loob ngunit may maaninag kang simbulo ng demonyo sa lapag at teka dugo ang ginamit na pag sulat sa mga sahig at may mga kandila pa,

ikatlong room sarado ang pinto neto at dahan dahan kong binuksan ang pinto nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang manika at tila may paulit ulit na sinasak-sak at alam kong katawan ni kyron yun dahil sa takot nabitawan ko ang hawak kong plastic bottle dahilan para makita ako ng manika kaya't agad akong nanakbo dahil sa takot maya maya nag salita ang manika

"Come here kurt! Let me cut your body into pieces HAHAHAHA!"

Dahilan para mas bilisan ko pa ang takbo at ngayon nasa banyo na ulit ako mas dinamihan ko na ang tubig at asin para matalo na ang manika idinura ko na ang nasa bibig ko at agad lumabas sa banyo kahit sobrang takot na ako naglakas loob akong hanapin to at talunin

"Bwisit kang manika ka pinatay mo ang kaibigan ko ngayon oras ko naman!"

Habang nag lalakad ako sa hallway napatigil ako sa aking pag lalakad ng makita ko ang manika

"HOY! ANDITO AKO HARAPIN MOKO TATAPUSIN KO NA ANG LARONG TO!"

Sigaw ko sa manika, maya maya nanakbo ang manika dahilan para mapa atras ako ng konti pero naalala ko ang nangyare sa kaibigan ko kaya mas nilakasan ko ang loob ko

"HAHAHAHA! Im hereeee!

Sigaw ng manika, biglang tumalon ito at inatake ako dahilan para mapasalag ako kaya napasigaw ako

"ARAAAAAAY! Badtrip ka talagang manika ka pinatay mo na kaibigan ko at ngayon ako isusunod mo!"

Tumalon ulit ang manika napapikit ako sabay saboy ng tubig na may asin sa manika dahilan para matalo ko ito hindi agad ako dumilat sapag inaakala ko na hindi ko pa ito natalo at ng idilat ko ang isang mata ko nakahiga na ang manika na tila ba'y isang normal na manika nalang kaya't sumigaw ako ng tatlong beses

"I WIN! I WIN! I WIN! buti nalang at natalo na kita demonyong manika!

Kaya binitbit ko ang manika palabas ng school at nag hukay ng di kalaliman sinilaban ko ang manika at tuluyan na itong nawala bumalik ako sa school at tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko malapit na sa library kitang kita ko si kyron na nakabigti hati ang katawan at wala ng buhay

"Kyron, sorry sa mga pangyayare im so sorry kyron dapat pala una palang nakinig na ko sayo ang tanga kooooo!"

Humahagulgol ako habang nasa loob ako ng library at nanginginig na kinuha ang cellphone at ngayon ay tumatawag ako sa mga pulis para manghingi ng tulong

"H-hello.."

"Oh sir anong maipag lilingkod namin" wika ng pulis

" y-yung k-kabigan ko k-kase namatay siya dito sa s-school"

" ah sir pwede po bang kumalma muna kayo at teka saan ba ang exact location niyo sir para agad na makapunta ang kapulisan jan" wika ng pulis

"Andito ako sa may haunted school malapit sa cemetery "

" okay sir, intayin mo kami in 10 or 15minutes dadating kami agad jan"

-----------

At ngayon nasa loob ako ng ambulance nanginnginig padin sa takot at umiiyak dahil sa mga pang yayare tila blangko ang isipan ko at ang tangi ko lang nagagawa ay ang umiyak ng umiyak dahil ang isa sa mga pinaka matalik kong kaibigan na si kyron namatay ng dahil sakin

"Curiosity kills you"

4
$ 0.00
Avatar for YamceyLou
3 years ago

Comments