My Biggest Nightmare

0 13
Avatar for Yabi
Written by
3 years ago
Topics: Life

Bata pa lang ako no'ng maghiwalay ang mga magulang ko. Siguro mga 5 years old ata ako nun . Makaraan ang dalawang taon nag-asawa ulit ang mama ko . At doon na nagsimula ang bangungot ko . Dito ko lang sasabihin ang kwento ko,wala akong ibang sinabihan kahit sino. Tinago ko ang karanasan maging sa pamilya ko .

Nung nagsama ang mama ko at bago nyang kinakasama (stepfather) okay naman pero pag wala ang mama ko may ginagawa syang hindi maganda sakin . (naiiyak ako pag naaalala ko💔) Sabe ko magsusumbong ako sa mama ko ,at ang sabe nya sa akin, " Subukan mong magsumbong at papatayin ko kayong pamilya lalo na ang mama mo" ako naman umiyak na lang at hindi na nagsumbong hanggang sa araw araw niya ng ginagawa iyon pag wala ang mama ko . 😫😫 Natakot kase ako magsumbong dahil baka nga patayin nya mama ko dahil may baril sya ,dati siyang sundalo .

Habang lumalaki ako ,umiwas na ako ng umiwas,hanggang sa high school na ko bumalik na naman ang ginagawa nia .

Minsan akong humingi ng pera dahil kailangan ko ng pambili ng project ,sabe niya bibigyan niya daw ako sa isang kondisyon . Ang kondisyon ibigay ko ulit ang sarili sa kanya at ginawa ko naman yun para sa project ko dahil babagsak ako pag wala ako nun .

Wag niyo sana ako husgahan ,mahirap lang po kami . Tanging siya lang po ang mayroon nun kaya napilitan po ako . 😫😫 Alam ko po maraming manghuhusga sakin dito . Hindi niyo naman alam yung pakiramdam nung nasa sitwasyon kayong ganun . Naiiyak ako parang ayaw ko nang ituloy 😭😭😭

Ngayon malaya na ako at hindi ko na sya nakikita . Masaya ba din ang puso kong hindi na nag-iisip pa .

0
$ 0.02
$ 0.02 from @JanaBanana

Comments