Tao gumising Ka!
Kaibigan bulag ka ba?
Kapaligira'y di mo ba nakikita.
Dati rati ang mundong ito'y kaygandang manahanan,
Ngunit ngayo'y tila di mo mawari ang kapaligiran
Dati rati hangin ay kaysarap langhapin
Kahit saan ka tutungo, nakakaginhawang damhin,
Ngunit ngayon ito'y nakamamatay,
Itim na usok di mo nanaising amuyin.
Ilog at karagatan na kaysarap magtampisaw,
Ngayo'y basura masayang lilitaw-litaw
Dagat na sariwang isda ibinibigay
Ngayo'y nangalutang ang mga patay.
Mga ibon ay lumuluha
Sa kawalan ng madadapuan,
Tao, ano ang iyong ginawa?
Kalikasa'y namamatay, pano' ka kaya mabubuhay?
Kalikasan ay may puso rin at pakiramdam,
Marunong sumaya at marunong magdamdam.
Alagaan mo at ngumingiti, abusuhin
       mo at gumaganti.
Galitin mo'y d'yan ka magsisisi.
Kalikasan ay isang kaibigan,
Ibinibigay ating pangangailangan,
Mula sa pagkain, damit at tirahan,
Kaya't anu pa ang iyong nais at di ka makontento man lang.
Kalikasan ay di sa iyo, kaya mahiya ka naman,
Para din ito sa iba hindi para sa iyo lang,
Nakikinabang ka na nga, isipin mo rin ang iyong  Â
kapwa
At ang sa mga henerasyon na sa iyo ay susunod pa.
Bawat punong iyong naitutumba, ilang libong buhay iyong sinira.
Bawat kalat mo sa iyong basura, ilang libong toneladang suliranin nakadadagdag ka pa.
Kaya gumising ka habang maaga pa
Huwag hintaying ang kalikasan ang magpapataw sayo ng parusa.
Bawat punong iyong naitatanim ay libo- libong buhay iyong sasagipin.
Bawat basura na iyong ibinubulsa, inang kalikasan iyong napapasaya.
Kaya't makinig ka aking kaibigan,
sama-sama nating alagaan ang mahal nating kalikasan.
>Xzeon<
#all photos credit to PIXABAY
We are our own worst enemies, capable of self-destruction and still claiming it is someone else's fault.