read.cash Log in
@Xzeon

Gising na! Kumakaway na ang eleksyon Mga politiko'y kilala tayo ngayon. Kanya kanyang diskarte Upang boto'y makaipon. Kasinungalingan dito Kabulastugan doon. Pangako dito Paasa doon. "Mahal kong mga kababayan, " Aba't sinong mahal? Di naman natin kasintahan Ang mga bilihin po nagsipagmahalan. 🤣 Libreng bahay daw Libreng matrikula Libreng pagkain, gamot at iba pang paasa Karamihan nama'y hanggang salita. "Pag ako'y nanalo malaking tulay gagawa tayo." Wala namang ilog Ba't tulay gagawa tayo?  🤣 Tuwing eleksyon, nagkakapera si Maria, Nang aking tanungin sa'n galing Ang sabi'y nakasobreng iniabot sa kanya. Bigay ng nangangampanya. Kandidato'y ibinoto dahil sa pangako niya Si Maria naman ay umaasa, suhol na pera'y nagastos na Walang napala, ilang taong nagdurusa. 'Pag eleksyon ay tapos na Saka mo makikita Tunay na kulay ng mga nakaupo sa trono Mga sungay nakalitaw na sa ulo. Sabi nila sa kahirapan iaahon ka, bagong bukas nakahanda Yun pala'y ibabaon ka Nakaabang ay kadiliman pala. Karamihan ay puro pangako Pangakong napapako. Boto mo'y makuha lamang Bibig, bulaklak nagsipaglabasan. Gising na mga kababayan, Ika'y di ipinanganak kahapon lamang. Tama na ang pandaraya noon 'wag nang payagan maulit ngayon. Sa media ay huwag magpapaniwala Sariling pananaliksik ika' y lumikha. Pagka't media ay nabayaran lamang Hindi lahat pawang katotohanan. Bayan ko gumising ka! Bawat isa'y mahalaga sa ating bansa Nagi-isa lamang ang iyong boto Ibigay sa karapat-dapat na kandidato!   03/11/**22** ~Xzeon~

17¢

8 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.