Grammatical errors ahead;work of fiction!
"Babe, can you see the blue skies? It's so beautiful, isn't it?" Kathlyn suddenly asked me, while looking up at the sky. Kathlyn is my girlfriend 4 years from now.
I didn't answered her, instead, I looked at her pretty face. Her beautiful brownish eyes, thick eyebrows, sharp nose, pinkish, thinly lips, and her perfect set of white teeh. Damn, she's so beautiful.
"Roel? I'm asking you," natigil ang pagpapantasya sa kaniya nang hawakan niya ang pisngi ko.
"A-ano nga ulit 'yun, babe?"
"Hayst. Can you stop staring at me for a while?"
"Sorry na babe. Ang ganda mo kasi sobra, lalo mo akong inaakit," kagat-kagat ko ang labi ko habang nakikipagtitigan sa kaniya.
Ang mababaw na titig ay nauwi sa palalim na titig. Para akong nilulunod sa mga titig niya... parang ayaw ko nang umahon pa.
Namula ang pisngi niya sa sinabi ko. "Tumigil ka nga, Roel," at nag-iwas siya ng tingin. Natawa na lamang ako.
Hinarap ko siyang muli at nakipagtitigan muli sa kaniya. Ngunit ang titig na iyon ay hindi na katulad ng kanina. Ang kaninang malalim na titig, ngayo'y may bakas na lungkot... matinding lungkot. Bigla ay nalungkot din ako.
"Babe, is there something wrong?" umiling siya sa tanong ko. Batid kong nagsisinungaling siya. Alam ko kung kailan nagsasabi nang totoo at hindi si Kath.
Himinga ako nang malalim at iniba ang tanong. "May bumabagabag pa sa iyo? May gusto ka bang sabihin, babe?"marahang tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin. "Magsabi ka lang sa akin. Kung may problema, nandito lang ako, okay?"
Hindi na siya sumagot. Sa halip ay nilagay niya ang kamay ko sa kaniya.
"Babe, do you know? I love looking at the dark blue skies. It is my happiness." pabulong na sabi niya, ngunit sapat na ang boses na iyon para marinig ko. Nakaramdam ako ng lungkot.
"Ohh. Yeah, blue skies are beautiful. But... can I be your happiness?"
"Roel... you know... you could make me happy always... but I'm sorry. You couldn't be my happiness..."
Nanlumo ako sa sagot niya. Nangilid ang luha ko ngunit hindi ko hinayaang pumatak iyon. Ayokong magpatalo sa emosyon na meron ako ngayon.
Pilit ang ngiting iginawad ko sa kaniya. "It's okay... at least I always make you happy. But may I know why?"
"Roel..."
"Please?"
Nag-iwas siya ng tingin sa akin at saka lamang aiya nagsalita. "Roel... alam mo namang minahal kita. Pero alam nating dalawa na minahal kita, bilang bestfriend ko. Alam naman din nating pareho na nagmakaawa ka sa akin na maging girlfriend mo. At dahil sa mahal kita bilang kaibigan at dahil baka atakihin ka na naman ng sakit mo, pumayag ako. Alam mong napapasaya mo ako sa kahit na kaunting bagay. Pero habang tumatagal, mas napipilit na lang ang ngiting ibinibigay ko sa'yo. Yes, you can always make me happy. But you can't be my happiness. Because someone's already my happiness."
Kumakalabog nang mabilis ang puso ko, sa sobrang kaba sa sasabihin niya. "W-What do you mean, Kath?"
May iba akong mahal, Roel. Hindi yung mahal na bilang kaibigan, o kamag-anak o pamilya, kundi yung mahal na gusto mong makasama sa habambuhay. At buntis ako, siya 'yung ama na dinadala ko. I'm sorry Roel, pero hindi ko kayang magmahal ng kapareho kong kasarian. I'm sorry, Roellaine."
Hindi ako makapagsalita. Kusa nang pumatak ang mga luha ko. Pilitin ko mang punsan yun ay mas dodoble ang dami ng mga luhang ipapatak ko. Hinahabol na ako ng hininga. Naninikip na ang dibdib ko. Mga sandali pa'y napahiga ako sa malamig na sahig. Namamanhid ang buong katawan ko at hindi ko maigawang ikilos man lang. Heto na ang bagay na aking kinatatakutan. Ang sakit ko.
"I'm sorry I can't be your happiness, Kath..." bulong ko sa kaniya... and everything went black.