6
12
Ang Mahal Kong Ina
Ikaw ang ilaw ng Aming tahanan
Na gumagabay sa aming pag-aaral
At dahil sa sikap at sipag mo
Ika'y bihira lang nakikita
Mga Sakripisyo'y hindi biro
Mula noong ako'y iniluwal dito sa mundo
Pag-ibig na iniukol sa akin ay totoo
Pagmamahal ko'y nagsisilbing lakas ko
Ako'y tinuruan ng magandang asal
Sa gitna ng hirap ako'y pinalaki at pinag-aral
Ito'y bunga ng iyong dakilang paglingap
Sa aking pusong walang hanggang pasasalamat
Sa paglingap mong walang hangganan
Sana mabawi ko ang lahat ng pinaghirapan mo
Gamit ang pag-aaral ko
Lahat ng ito ay para sayo, Mahal kong Ina.
-Truly yours..
Wow keep up the good work