Binigay ni kuya ang hoody Jacket nya sa iceland kay tatay, medyo malaki kay tatay kasi matangakad si kuya eh. Para kasi syang raincoat magagamit talaga ni tatay sa pag momotor lalo pa at tag ulan na. Tuwang tuwa si tatay, sabi nya nasa Iceland na rin daw sya hihihi nagpa picture talaga sya hihi sabi ko ipost ko ito sa noise tay ha hihi. Nag noise din pala si tatay noon kaso dahil matanda na at hindi masyado marunong sa cellphone, call and txt lang alam kaya hindi rin nag tagal huminto rin.
9 comments
Nakakatuwa naman si tatay sis, namiss ko ang papa ko. Matutuwa talaga siya sa mga simpleng regalo na kagaya nito.
Truelala sissy simply lang talaga ang mga happiness ng ating mga magulang.
uy wow! gwapong gwapo si tatay sis ah bagay na bgay yong kulay sa kanya.... haha iceland feels!😍😀
Iceland feels talaga te hihihi ang cute ni tatay eh.
Magagamit talaga ito sis dahil tag ulan ngayon, ang ganda pa ng jacket :)
Oo sis maganda at bagong bili ata ni kuya at saglit lang nasuot.
bagay na bagay po yan ngayong tag-ulan!
Oo te labi na kanang mag byahe mag drive motor.
Mao jud Day.....sige na raba jud ug uwan ron.