Habang kumakain si hubby, si nanay(mother ni hubby) ang tinitingnan ko masayang masaya talaga si nanay na makita ang anak na ganado kumain. Paborito kasi talaga ni hubby ang crab kaya pag may makita si nanay na crab sa palengke at mura lang binibili talaga yan ni nanay para kay hubby. Malungkot kasi si nanay pag makita si hubby na kunti lang kinakain pag hindi nya paborito ang ulam. Never talaga mag expire o mag retire ang pagmamahal ng isang ina sa anak ano kahit may sariling pamilya na ito. Anyways kay hubby lang lahat yan shells hahaha, dami nya nakain na crab at rice.
9 comments
Iba talaga ang pagmamahal ng ina ano sis. Sobrang maalalahanin at talagang laging iniisip nila ay ang kapakanan ng anak nila...
Oo sis yun talaga nakikita natin sa ating mga ina. Sana ganun din tayo mga modern ina sis nuh hihihi pag may kanya kanyang pamilya na rin mga anak natin. Hihihi
Ay ndi nga halata sis na favorite nya
Hihihi diba sis? Kaya tuwang tuwa kami ni nanay makita sya na ganado kumain talaga
Oo sis ndi halatang ganado
Isip-isipin mo iyon, pareho kami ng hubby mo na paborito ang crab at sa tuwing magbabakasyon dito sa Pilipinas ang mother ko, basta nagpunta kami sa bahay niya magpapabili siya ng crab hehe! Sarap Kasi niyan!😋
Wow talaga pariho pala talaga kayo ni hubby paborito yan hihihi
Oo nga ka-noise! Mula bata ako, paborito ko na iyan, kaya lang since August 2020 nag-menor ako kasi tumataas na pala ang blood pressure ko kaya, madalang na lang akong kumain at hindi na marami.
napakasarap ng alimango, Gusto ko rin, sobrang natutuwa ako na nasiyahan ka, mas mayaman ito at mayroon kang masarap na salad na ibinabahagi sa pamilya.