Kanina nag worry ako kasi ubos na ang vitamins at sabon ni Exo, last na yung inom nya kanina at ang sabon kanina after nya naligo wala na rin. Wala ng mainom bukas at pang sabon maligo sya at ang pera sa wallet ay kasya nalang pang pamasahe mag simba bukas. May kunting income pala si hubby sa online game nya na RF ayun ge withdraw nya pinang bili nyan kaya panatag na loob ko ulit ngayon kahit ang vitamins ay pang isang linggo na lang muna ang nabili. Maliban kasi sa may work si hubby, may extra income rin sya sa kanyang laro, napakinabangan rin ang kanyang pagiging gamer hehehe. Nakabili pa rin sya ng ulam at pang snacks ni Exo. So blessed to have a great provider sa kanyang pamilya. Hindi man degree, house, car, atm holder ang aking husband pero great provider naman at skillful.
14 comments
nice. anong game yan.mkajoin na rin heheh
Pag gamer ka sis, Pweding pwedi hehehe. Pero need sya laptop. Hindi kasi katulad ng axie at ML na sa phone lang.
ah ok. nice kugn ganun. mas madali mag game kc sa computer/laptop eh
relate ako dito ah,hehe mabait ang Dios sissy may mga way siya na di natin nalalaman yun na pala un kaya thankful tayo sa mga blessings na binibigay niya satin.
Yes sis, he will provide talaga basta kikilos din tayo.
Ano yong RF games? Madiskarte ano hehe. Bless you more.
Online game din sya sis. Salamat sis
Bakit ganyan ang vitamins ni Exo sis ndi syrup?
Chewable candy na ang binibili ko sa kanya sis kasi hirap pa inumin ng syrup hehehe.
Ah ok, si Adrielle naman ay walang problema pati nga kutsara dinidilaan pa apagkatapos inumin🤣
Good job adrielle keep it up. Nakakatuwa pag ganyan sis
Oo sis, parang ung kapitbhay ko sis naku pahirapan uminom ng gamot🤣
Blessed tayo sis kung partner tayo na great Provider tayo sa family at mabait :) Ilang taon na si Exo sis hindi na Kasi syrup vitamins niya :) Blessed Sunday!
Mag dalawang taon pa po next month. Hirap kasi pa inumin pag syrup eh hehehe, kaya chewable na binili ko sa kanya kasi sabihin ko lang candy vit hehehe.