Wish granted talaga. Gusto ko bumili ganitong bottle para sa baonan ni baby Exo na milk, pag aalis kasi kami nag babaon na ako ng milk para hindi na sya mag dede sa akin. Miniral bottle water lang kasi ang nilalagyan ko sa milk nya pag aalis kami kasi ayaw nya mag dede sa milk bottle talaga yung may nipple na bottle. Dahil wala pang budget pang bili, hindi pa ako naka bili ng ganito para sa baonan nya ng milk. Noong Sunday after meeting namin mga primary leaders may pakulo si President namin at ito yung nakuha ko sa pa raffle nya, spin the wheel hihihi. Grabe ang saya ko talaga na ito nakuha ko kasi wish granted, naka tipid ako sa pambili ng ganito hihihi.
3 comments
Kusa ng dumadating ang mga wishes mo sis
Hihihi oo sis kaya ang saya ko talaga, yung feeling na wala kang pang bili tapos ang gusto mo bilhin ay makuha mo lang na libre hihihi
Happy for you tlga sis