Destiny

1 19
Avatar for Writer19
3 years ago

Isang umagang kayganda ang laging bumubungad sa aking mga mata, mga huni ng ibon na kaysarap pakinggan at mga bulaklak sa hardin na kaygandang pagmasdan. Araw-araw ito ang nagpapasaya sa akin.

Ako yong tipo ng babae na hindi mahilig sa love life, pag-aaral lang ang aking inaatupag dahil alam ko na ito lang ang siyang makakapagsukli sa paghihirap ng aking mga magulang. Hindi gaano masigla ang aking buhay sa eskwelahan dahil puro na lang naghaharotan ang mga taong nakapaligid at tsaka wala akong masyadong nakakasama, madalas mag-isa lang ako kaya wala akong nakakausap.

Araw-araw madaming asignatura, kaya minsan nahuhumay na ako palibhasa kase stressed na nga sa school, stressed pa sa bahay. Tumungtong ako sa Senior High School, halos lahat na ng mga kaklase ko ay may kanya-kanyang lovelife pero kagaya ng dati NBSB parin ako at wala akong balak magkaboy friend tsaka nalang pag nakatapos na ako ng pag-aaral. Pagkatapos ng first term, may transferee sa seksiyon namin, Danielle Aquino ang pangalan, nagmula siya sa isang tanyag na unibersidad pero pinili niya daw sa eskwelahan namin dahil masyado daw maraming bad influence sa kanya noon kaya hindi siya nakakapagfocus. Si Danielle ay matangkad at sobrang gwapo , inosente ang kanyang mukha at parang mabait naman. Unang araw palang niya sa school, marami ng babaeng nagtitilian sa kanya paano naman kase gwapo, hubog ang katawan at gentleman, hindi siya katulad ng ibang lalake na palagi nalang nagmamayabang. Kinaumagahan inayos na ng guro namin ang aming upuan dahil simula na ng second term, sa hindi inaasahang pagkakataon kaming dalawa ang pinagtabi ng aming guro tuloy nagtilian ang buong klase pero nakaupo lang kaming dalawa ng walang kiboan, magaan siyang katabi dahil tahimik lang siya at tsaka lang magsasalita pag tinawag ng guro.

Lunch time na, sabay-sabay kaming lumabas ng classroom pero laking pagtataka ko ng makita ko siyang nakaupo lamang at nagbabasa ng libro, tatanongin ko sana siya kong may balak ba siyang maglunch pero bigla akong natigilan at nawalan ng lakas ng loob kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at hindi na siya pinansin.

Isang buwan niya pa lang sa school pero ang sikat na niya, mahiyain siya at tahimik na tao pero active siya sa mga school activities, pareho kami ng mga hilig kaya palagi kaming magkagrupo at palaging nananalo. Madaling nagkalapit ang aming loob hanggang sa naging matalik ko siyang kaibigan. Mula noong maggrade 12 kami, palagi na kaming magkasama kaya hinala ng lahat magkasintahan kami, ang totoo niyan magkaibigan lang kami, aaminin ko may gusto ako sa kaniya pero hindi ko yon sinasabi sa kanya baka kase masira ang aming pagkakaibigan.

Super thankful ako na nakilala ko siya, masarap kasama at marunong makibagay, siya rin yong nagbigay sakin ng inspirasyon sa pag-aaral, tuwing may nambabastos sa akin lagi siyang andiyan upang ipagtanggol ako. Palagi kaming nagchachat at super sweet niyang magmessage, pero hanggang doon lang yon, hindi ko ineexpect na magkakagusto siya sa akin, sa gwapo at bait niyang yon, hindi ang katulad kong babae ang kanyang papangarapin.

Palapit na ng palapit ang Graduation, balak kong aminin sa kaniya ang aking nararamdaman kase baka mahuli pa ang lahat. Hindi ako nagkakaroon ng oras na aminin sa kanya, palagi kaseng may nakapaligid sa kaniyang mga babae kaya nahihiya ako, nais ko kaseng sabihin sa kaniya ng kami lang dalawa .

Araw na ng Graduation at excited na ang lahat, sa katunayan ako ang nanguna sa ABM strand (with high honors), ang sumunod sa akin ay si Danielle, matalino rin kase siya lalo na sa Math. Malapit ng magsimula ang program pero wala parin si siya, kaya ang nakangiti kong mukha ay nalungkot ko na lamang ng bigla. Silip ako ng silip sa kung saan saan, inaabangan ko kase ang pagdating niya hanggang sa napanganga na lamang ako ng makita ko ang blooming, gwapo at malinis niyang mukha, para siya artista. Pagkapasok niya sa loob halos lahat ng babae ay naglaway ng makita si Danielle, paano naman kase sinabayan pa niya ng ngiti ang mga nakakasalubong niya. Dahil sa magkasunod kami, tabi kami ng upuan, hindi ako mapakali at halos mabasa na ako ng pawis buti nalang gentleman si Danielle kaya inabot niya sa akin ang kaniyang panyo, ang bango bango nito halos ayaw ko ng tanggalin sa ilong ko.

Nakahinga ako ng malalim ng matapos na ang Graduation, ang daming nag-iiyakan dahil ayaw nilang mawalay sa isat-isa. Nagkasalubong kami ni Danielle, ang laki ng ngiti niya sa akin at sa hindi inaasahan, niyakap niya ako ng sobrang higpit, bigla akong natigilan at natunganga. Nag-usap pa kami saglit hanggang sa umuwi narin sila sa kanilang bahay, habang pauwi kami, hindi ko maiwasang isipin ang pagyakap niya sa akin. Mukang nahulog na ako ng husto sa kanya, kung tutuusin marami narin kaming pinagsamahan, siya nga lang ang naging matalik kong kaibigan.

Kinaumagahan niyaya ko siyang lumabas, para man lang makapagbonding kami at masabi na sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Pumunta kami sa isang lugar na tahimik, at walang masyadong tao. Kahit kailan ang gwapo niya talaga pero parang hindi siya mapakali sa araw na ito, tatanongin ko na sana siya kung bakit siya ganon pero kinuha ko na ang oras na iyon para umamin sa kaniya. Nagsalita na ako pero nakatunganga parin siya, nabigla ako ng kanyang aminin na inlove na rin siya, ilang minutong bumalot sa amin ang katahimikan, hanggang sa niyakap ko siya ng mahigpit, tumulo ang kanyang luha sa aking harapan. Sinabi niya sa akin na kahapon, pinagtapat niya sa kanyang mga magulng ang lihim na pagtangin niya sa akin, at ang kanyang mga magulang ay nagalit dahil gusto nilang makapagtapos siya sa pag-aaral ng may mataas na standard at baka raw makakasira at makakasagabal ako sa pagabot ng kanyang mga pangarap, dahil sa sinabi niya tumulo narin ang luha sa aking mga mata at bumuhos na ito ng tuluyan ng kanyang sabihin na nagpagdesisyonan na ng kanyang mga magulang na sa America siya mag-aaral ng college, wala raw siyang nagawa upang ipagtanggol ang kanyang nararamdaman, nabasa ang aming mga damit ng luha. Matapos ang ilang minutong iyakan napagdesisyonan na naming umuwi sa kanya-kanyang bahay.

Pagkauwi ko sa bahay dumiretso na agad ako sa kwarto at doon na ibinuhos ang lahat ng galit at lungkot, hindi ako nakatulog at magdamag umiiyak, kinaumagahan, namumula na ang aking mata at ang sakit na ng aking ulo. Binuksan ko ang aking cellphone, tumambad sa akin ang madaming mensahe galing kay Danielle, siya’y nagpaliwanag kung bakit hindi niya ako naipagtanggol. Pagkabasa ko sa kanyang huling mensahe ay bumuhos na naman ang aking luha “Bukas na bukas pupunta na kaming America” aniya. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman at tuluyan na akong nagkasakit, agad akong dinala ng aking mga magulang sa ospital, nag-aalala na ako dahil ang taas na ng lagnat ko.

Kinabukasan, nakatunganga lang ako at nakatangin sa malayo, nangungulila sa pag-alis ni Danielle, nakahiga lang ako at walang magawa. Maghahapon na at may biglang kumatok sa pintuan, inaakala kong si mama na iyon na may dalang pagkain pero nabigla ako ng makitang si Danielle na nakapormal na suot at may dalang maleta. Nagpaliwanag siya sa akin at sinabing kanselado ang flight, laking tuwa ko sa aking narinig pero hindi parin maayos ang aking pakiramdam kaya hindi ako makapagsalita ng maayos

Pinayagan siya ng kanyang mga magulang na manatili sa ospital, buong araw niya akong inalagan, binilhan ng pagkain at inumin, ang sarap niyang mag-alaga kaya pakiramdam ko nananaginip lang ako. Bumuti-buti ang aking pakiramdam dahil sa pag-aalaga niya sa akin, magdamag pala siyang nagbabantay sa akin kaya kinaumagahan rin ay nakauwi na ako sa buhay sa awa ng diyos. Hanggang sa bahay ay inalalayan niya ako. Kinwentuhan ng kung anu-ano para lamang mapangiti ako, ang sweet niya talaga sobra.

Umuwi muna siya sa kanilang bahay at muling bumalik ng mga hapon. Noong dalawa lang kami sa bahay, nag-usap na kaming dalawa ng masinsinan tungkol sa kung ano ang meron sa amin. Siya ang nagsimula, at akoy napangiti ng kanyang sabihin na hindi na sila matutuloy sa America at dito na siya mag-aaral ngunit ang mas nakakatuwa ay pinayagan na siya ng kanyang mga magulang na makagirl friend. Para akong nanaginip sa araw na iyon.

Halos 5 buwan niya akong niligawan, nakita ko sa kaniya ang tunay na pagpupursigi upang mapasagot ako, ginawa niya g lahat ng kanyang makakaya, pinagsabay niya ang kanyang pag-aaral at panliligaw pero hindi kailanman naging hadlang ito, haggang college ay magkaklase parin kami kase pareho kami ng kinuhang course.

Nagtapos kami sa College na parehong Soma Cum Laude. Ang saya naming pareho dahil sa tagumpay na ito. Maraming handaan ang naganap, nagsasayawan, nagkakantahan at naiinuman ang mga tao, habang kami nasa loob lang ng bahay. Mahigit apat na taon narin kaming magkasintahan, pero hindi niya pa naman ako niyayang magpakasal, at wala akong balak.

5 araw matapos ang graduation, niyaya ako ni Danielle sa isang napakaengrandeng date, ang lawak ng place pero parang nakareserve lang para sa aming dalawa, ang ganda dito yong mga ilaw, naggagandahang bulaklak, at masasarap na pagkain. Nag-usap lang kaming dalawa, as usual, tungkol na naman sa aming dalawa. Magdidilim na at gusto ko naring umuwi, yayayahin ko na nga siya pero sinabi niyang pumikit muna ako kaya ayon sinunod ko na lang. Pagdilat ng aking mga mata, nabigla ako ng makita ang napakalaking tarpaulin na may nakasulat na “Will you marry me?”, at si Danielle na may hawak nakaluhod at may hawak na singsing. Uminit agad ang pisngi ko pero nakakabahan akong tumingin sa mga taong nakapaligid sa amin, all eyes on us pa talaga. Hindi ako makapagdesisyon kung Yes o no ang aking isasagot, sa totoo lang hindi pa ko ready sa ganito pero sabagay matagal narin kami at tsaka mapapahiya lang siya pag hindi ko tinanggap, wala man akong choice pero mahal na mahal ko talaga siya at hindi ko na hahayaang mapunta p siya sa iba, “Yes, I want to marry you”, bigla siyang tumayo at sumigaw, pagkatapos niyakap niya ako ng mahigpit at tsaka hinalikan, nagsipalakpakan tuloy ang mga tao.

Hindi ko maunawaan ang saya ng aking nararamdaman. Talagang pinagtagpo at tinadhana kaming dalawa sa isa’t-isa, kase biroin mo, magkapareho kami ng trabaho at pinapasukan, kaya madali niyaa lamang akong nabibisita. Super Thankful ako sa panginoon na nakilala ko siya, ang bait niya, maganda ang kalooban, maunawain, mapagpakumbaba, kung may problema kami siya palagi ang nag-aadjust.

Nagplano na kami para sa kasal, balak naming magaganap ito sa December pagkatapos mismo ng pasko, at yon ang nasunod, maraming nagastos para sa kasal, sa pagkain, reception, invitation letter at tsaka marami pang iba buti nalang marami akong ipon at tsaka mayaman naman sina Danielle kaya ok lang sa kanya yon.

Matapos ang ilang buwang pagpreprepare, dumating narin kami sa araw na aking pinakahihintay, pagkapasok ko palang kita ko na agad ang dami ng tao, at hindi pahuhuli ang aking pinakamamahal na si Danielle, ang gwapo niya ngayon. Matapos ang ilang minute, nag “I do” na kami sa isa’t-isa at hinalikan na ako. Pagkatapos ng wedding pumunta na sa reception ang mga bisita peo nagpicture taking pa kami, halos mabasa na ako ng pawis doon dahil mahigit 30 minuto na kaming yon lang ang ginagawa. Pagkatapos nito pumunta narin kami sa reception, malapit lang ito sa simbahan kaya nagkalesa na kami.

Ang saya ko sa araw na ito, pero napagod na ako kaya kahit hindi pa tapos, napagdesisyonan ko ng matulog at ang magaling kong asawa sinundan ako at tsaka alam niyo na.

Namuhay kami ni Danielle ng masaya, tahimik at payapa. 2 taon matapos ang kasal ay nagkaroon narin kami ng isang anak. Ang balak naming ay kahit sana 2 pa pero tsaka na lang muna, basta masaya kami sa isa’t-isa nagmamahalan kasama ng aming nag-iisang anak. Ang we lived happily ever after.

6
$ 0.00
Avatar for Writer19
3 years ago

Comments

ganda sana kwento... much better kung english ito.. sayang kung original content may revenue ka na sana..

$ 0.00
3 years ago