Hiram Sandali

0 13

Kailan pa ba ulit matatamasa ang tila walang katapusang kasiyahan na namagitan sa atin bilang isang mag-aaral? Sa loob ng apat na taong pag-aaral upang makasama ang ganitong uri ng pagkakaibgan at bumuo ng isang kwento ng pagsasamahan, pagsasamahan na ngayon ay hanggang sa larawang kupas na lamang mamamasdan.

Sa sandaling ma aalala niyo lahat sa isang pagsasama, ang mga tawanan, biruan, pati na rin ang mga lungkot na hindi mo inakalang darating sa di inaasahang pagkakataon, na gigising sayo sa katotohang, Yun ay isa lamang bakas ng ating nakaraan at mapagtantong, ako, ikaw, sila ay mahirap iwan ay sapagkat bawat sulyap ng lampos ay hindi na pwedeng balikan.

"Hindi nakakapagsalita ang isang larawan na kuha ng bawat teloponong pinagmamasdan tuwing pagsapit dapit-dahon, ngunit nagbibigay ito ng kwento sa bawat masasayang alaala, panahon ng kalungkutan, oras ng pagdadamahayan, at kahit sa pagbagsak ng mga luha na nagbibigay tamis ng ating ala-ala"

Ako ay kabilang sa isang grupo ng mga anak ni rizal, kasama ang mga clown, pati ang mga spice girl, da gwapings, mga hallow man at higit sa laht ay ang mga weirdos, kami ay tawag na Gr. 10 Narra.

Datapwat kami ay may kanya-kanyang mundong linulugaran,hindi parin mawawala ang presensya sa pagkakaroon ng pagkakaisa ay sapagkat kasangkot rin lahat sa pagdadamayan lalo na kapag ang bagay na iyon ay ang ikakabuti ng karamihan. Palibhasa, kami ay marunong sa pagbibigayan, kayat kung ano ang mayroon sa isa ay dapat din magkaroon ng lahat. Gaya ng pagkakataong makahawak ng diploma. Matagalang paghihintay ang naging puhunan ngunit bago makamit ang ganitong kalagayan, ay pinagtibay ang aming samahan ng mga hindi malilimutang alaala. Isang bakas ng nakaraan na siguradong nakaukit sa kaibuturan ng puso ng bawat isa na siyang tatanawin pagdating ng araw at masasabing, ito ang aking nakaraan, ibabahagi sa mga anak at na patuloy pang gagalugarin pagtanda.

Mula sa lampos ng pagtanaw, ay siyang magpapaala sa iyong....

Ganito kami noon, masayang masayang tuwing wala ang guro, magbabasa ng wattpad upang sa gayon ay matulog sa silid kinaumagahan, meron ding maglalagay ng kung ano ano sa mukha at matulog ng maaga upang maging presko ang dating, tandang-tanda ko rin ung mga taong nagpapasaya sa akin araw-araw, payasong payat sa kanyang pustiso na kung bumitaw ng mga linya ng pagbibiro ay sa tawa ka madadala,ung pagpasok sa silid ay malalanghap kaagad ang umaalingasaw at namamahong animoy hininga galing sa inidoro pati rin ang amoy kahit hindi pa pinagpapawisan ay namamaho na tila hindi ito kilala ni rexona.

Yung bang ang init-init ngunit hindi tinatablan ng sikat ng araw, itong isa ay balot na balot ng makakapal na damit upang maging maganda lamang ang porma, meron din ung mga makakapal, sa kapal ay parang sinampal ng paulit ulit upang magkagkaroon ng mapulang pisngi, ung mga araw na lilitaw sa facebookk post at myday ang daan daang status sa kanilang outfit of the day, bigyan din natin ng pansin ang mga nagbibigay kulay sa ating silid, mga kaliwat kanang pagtugtug ng mga gitara na halos yanigin ang boung silid sa tuwing magsisimula na, sinasabayan pa ng mga nangangawit na ibong na sumisira sa araw nila

Malala mo rin anga mga kopyahan pagdating sa exam Maalala mo rin ang ang mga araw na na nagpupuyat ka kakaisip sa mga walang katapusang asigmatura na dapat ay tapusin ng maaga, ung tioong mangiyak ngiyak ka pa sa balitang magkakaroon kayo ng maprosesong research, pati din ang mga dula-dulaan na sa bawat lider at pangkat at nagbubunga ng hidwaan nagpapakitang gilas hanggang sa hindi magpansinan. Maala mo rin ang kwa araw ng reporting na sa kagustuhang matapos kaagad ay binabasa nalamang kahait ang mga nilalaman ay hindi naiintindihan

May isang bagay na dapat kong ibunyag sa inyong lahat, ito ay ang pagkakataon na kayo ay unti unting maglalaho sa aking paningin. Bawat sulok ng silid na nito at kahit sa inyong mga mukha ay kinakausap ako, pinapaala lahat ng mga karanasan ko, bilang isang kaibigan na minsay dumating sa inyo.

Alam ko karamihan din sa inyo may itinatagong galit sa akin sapagkat hindi maman ako naging perpekto sa loob ng apat na taon, ngunit dapat din ninyong malaman na kahit hindi ako maging tunay sa inyo ay hindi kayo malilimutan.

Kung ako ay susulat ng isang libro patungkol sa akin, ay aking bibigyang buhay ang inyong mga katauhan ay sapagkat kayo ay naging parte sa aking makabuluhang high school life.

Isang paglalakbay na nagbunga ng samut-saring pagsisiyasat ng kasiyahan.

At itoy mananatiling ala ala nalamang dahIl Nabibilang nalamang ung mga araw

Pawakas na ng pawakas ang paglalakbay

At unti-unti nang na kayong lumalagay sa isang balangkas, na di na gumagalaw, sapagkat kayo balang-araw ay magiging isang larawan, isang nangungusap at marikit na larawan.

Naniniwala ako na kung may darating ay may magaganap na pag-alis

Ay sapagkat habang palapit ng papalapit ang mga diploma sa ating kamay

Ay lumalapit din ang pagkakatong tayo ay mahihiwalay

Isa lang aking masaaabi sa mga oras na ito, salamat.

Salamat sa saya kahit pansamantala

Salmat sa saya kahit hindi na mauulit pa

Salamat, hanggang sa muli

Salamat sa hiram na sandali

1
$ 0.05
$ 0.05 from @mariteen

Comments