Ang artikulo na ito ay tungkol sa pag aabuso ng kapangyarihan, sa basta bastang pag kikitil ng buhay dahil sa mga walang kwentang dahilan kesyo "nadala ng galit"
Eto yung istorya nung Pulis na pumatay ng mag inang "point blank" sa ilalim ng maliwanag na araw, may mga taong nasa paligid pa at nakatutok ang camera upang kunan ng footage ang umano'y naging alitan.
Teka, tanong muna. Kung ikaw ay isang Pulis na pinagkakatiwalaan ng tao upang protektahan sila, kung ikaw ay Pulis na nasa tamang pag iisip, tama ba at sapat bang maging rason ang "pinipikon ang anak? Inaaway ang anak?" Tama ba na itututok mo yung baril mo sa taong wala namang krimen na ginawa?
Hindi porket ikaw ay may hawak na baril, ikaw na'y may kapangyarihang kumitil. Kaya mahirap nang mag tiwala sa mga taong nasa Posisyon. Sinasabi nila na ang mga taong tatuan ang mga masasamang tao, pero sino nga ba talaga ang totoong masama? Buti sila may back up, oo sumuko nga siya sa "kapulisan" pero teka teka...saan siyang presinto sumuko? Aba?? Akala ko sa Tarlac nangyari yon, bat napunta siya sa ibang lugar? Syempre, alam na natin ang kasagutan, mga kakilala niya yon e. Kaya di siya nagdalawang isip, kaya di siya takot pumatay kase may backer. Madali lang kapag maraming kakilalang "makapangyarihan" diba?
At eto, lumabas nga, simula pa pala 2010 hanggang sa kasalukuyan ay nagkaroon na siya ng iba't-ibang kaso na kung tutuusin, kung ikaw ang naadun sa posisyon niya at isang ordinaryong mamamayan ka lamang, eh either hindi ka na dadaan sa proseso ng pag iimbistiga upang mapatunayan kung ano nga ba o bigla ka na lang lalabas sa balita "nasawi sa shooting" oh diba? Ibang iba? Kase ordinaryong mamamayan lang tayo e. Ika nga, sabi ng magaling nating Presidente "ShootToKill" "PapatayinKoKayo" ang galing, sobra bang nakakainspire mga salitang to?? Iba talaga kapag "makapangyarihan ka" tang ina. Speaking of "Presidente Natin" ano nga bang naging aksyon niya? As usual, humanap nanaman ng ibang pang segway para lang mawala nanaman ang atensyon ng mga tao. Pero sana, sana wag na tayong magbulag bulagan! Sana naman, kahit eto, maitama na sa lahat ng mga pinalipas na kamaliang nangyayare.
Nakakalungkot lang ng sobra kase para na rin tayong mga tuta, takot sa batuta. Sunud-sunuran sa basurang administrasyon.
Kung nagkaroon man ng hindi pagkakaintindihan, PWEDE NAMANG IDAAN LAHAT SA MALUMANAY NA PAG UUSAP. HINDI YUNG GAGAMITAN MO AGAD NG RAHAS, PLUS, NASA HARAPAN MO YUNG BATA, ANAK MO, NA SINASABI PA "POLIC ANG TATAY KO" ay tang ina diba??? Pati yung bata? Wala siyang pakialam, di man lang natakot na pumatay yung tatay niya. Sanay na sanay? Ganon? Hay.
Eto na lang muna.
Hindi lang kase maalis sa isip ko. Paskong pasko diba? Sana matapos na, matapos na rin buhay ng mga walang hiya-abuso.
EDIT: here's a photo which I got from a facebook post where they have revealed all the dirty ass works of this policeman who shot 2 people in broad daylight. Eto yung sinasabing "kapag may backer, kahit may kasalanan ka na, ang dali lang makatakas, makakapag trabaho ka pa rin bilang pulis o kung ano pa man. Pero kapag kaming mga ordinaryong tao di makapag present ng NBI clearance namin, hindi kami pwedeng makapag simula sa trabaho. Wow diba?"
Additional:
Kung etong mga "may kapangyarihan kesyo may baril o may pera ay nakakagawa ng mga ganto sa ilalim ng napakaliwanag na araw, na merong mga tao sa paligid, pano na lang kaya kung sa dilim na diba?? Ano pa kaya ang kaya nilang gawin sa mga ordinaryong tao na takot at kayang ipag laban ang mga sarili dahil walang kapangyarihan o walang pera?" SOBRANG NAKAKALUNGKOT.