Morning everyone Ang aga ko magising ngayon 4am ang ingay na kasi ng alaga kong aso. Kaya bumangon nalang ako at nagantay na lumiwanag. Ito nagsasaing na ng pang almusal at babaonin namin mamaya sa school. Anong oras kaya natulog ang mahal ko kasi nakaonpine parin siya anong oras na. Tapos ang aga nagising nakaonline hindi man lang nagparamdam sa akin hmmm. Sige guys magaasikaso na muna po ako dito mag 5am na mamaya ggisingin kona din ang mga bata..
@WondergirlwriterOnNoiseApp
Joined 21 September 2022 · 4869 posts
"Malayo o malapit man puso natin ay magkarugtong hanggang dulo ikaw parin."
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Posts
Ang tagal ma fulcharge nong cp ko kaya ngayon lang nakabisita dito. Kumusta naman po ang buong maghapon niyo umaraw ba sa lugar niyo? Dito sa amin ay ilang lingo na ang ulan kaya mga sinampay ay hindi pa natutuyo lunes nanaman bukas. Sana naman bukas ay uminit na...babaho na ang mga damit dahil hindi man lang naarawan. Maghapon lang po akong nakahiga, hindi ako nakaligo ngayon bukas nalang... Masakit parin kasi ang puson ko at sa bandang kanan ng tiyan ko kapag nadidiianan ko siya masakit parin. Kapag naglalakad ako masakit siya kilangan mabagal ang lakad kaya pano kaya ako nito bukas... Itong aso na ito spoiled n ng anak ko gusto magpasubo kasi ayaw kumain or nanibago siya ng pagkain niya dito... Naantok at pagod ang nararamdaman ko ngayon guys baka bigla nalang din akong makatulog nito..kinig nalang ng pamparelax na music para makatulog na maaga pa bukas...
Magandang umga ka noise.app Kumusta po kayo ako hindi gaanong ok kasi umataki yung aking uti ata kaninang madaling araw nagpigil kasi ako ng wiwi kaya ayon gumising kong ang sakit ng puson ko halos hindi akp makabangon agad konting hawak sa tiyan ko ang sakit. Kanina ko pa hinahanap si hachicko anjan lang pala siya eh.. Nakatulog pala ulit trip niya matulog sa mga masisikip ayan sa lagayan ng damitan namin siya nkatulog. Ang kulimlim at maulan ang panahon dito sa amin hindi makapatuyo ng nilabhan dami ko pa nman sinampay hindi man lang uminit ngayon... Jan po ba sainyo kumusta panahon..sana bukas ay maganda din nman..

May bago kaming alaga bigay ng taga kabilang barangay barkada ni papa at ng kapatid ko..magandang lahi mabalbon dko lang alam kong ano ang lahi niya pero para siyang chow chow pero half breed lang ata ito...Pinangalanan ko siyang Hachiko short for chiko yung napanood ko dating palabas sa japan na isang loyal na dog sa kanyang amo siguro sa mga dog lover jan alam niyo yung kwento ni hachiko kaya yun ang pinangalan ko saknya kasi mabait siya and hawig niya din kasi hehehe..

Dahil sa walang tigil na ulan dito sa amin halos mag dadalawang lingo na panay ulan gumawa ako na lang ng sampayan dito sa loob para masampay mga importante lalo na mga underware. Nagluto ako pala pong pansit meryenda ng mga bata. Ktatapos ko lang magluto..tinatamad ako magpalit ng damit at maligo or maghilamos lamig kasi ng panahon. Kapag ganto eh naabot ako ng ilang araw bago makaligo de bali eh wala namang aamoy kaya ok lang hehe pwd pa naman bukas nalang siguro ako maliligo.... Tara guys meryenda po tayo...

Pinahirapan ako ngayong araw na ito tumigil lang ako ngayon dahil sobrang gutom ko na. Mabuti nalang at may anghel pa ako dahil kung hindi baka naulit yung pagkakakuryente sa akin o baka mas malala pa nangyari. Kanina umaga nagigib na ako sa washing para makapag washing na nong pinapaikot kona siya biglang nagspark sa loob niya kitang kita sa tubig mabuti nalang at hindi ako humawak sa loob ng washing or sa tubig sa gulat ko tinawag ko mama ko tapos pinapatay ko yung fuse namin kaso takot si mama buti nalang d naman ako taranta hinogot ko nalang yung saksakan ng extension. Sinubukan ko siyang ayosin at baka may nakaharang lang sa ikotan niya meron akong nakuhang isang pako tapos ayan ang dumi niya. Tapos sinubukan ko ulit kung liliyab ulit ganun parin kaya hinugot ko nalang sa saksakan dahil sa makina na ata may problema. Kinalikot ko din ulit yung sa likoran ayon kita ko na basang basa yung mga wire doon baka grounded siya kaya nagkakaganon. Wala pang pampaayos kaya nagtyaga ako mag mano mano ng labahan ko sakit doble ng kamay ko... Nakakalahati pa lang ako ngayon dahil breaktime muna... problema ko yung mga kumot hirap labhan siya kapag sa kamay lang...

Good morning everyone... Wala namang school pero maaga nagising, ang aga ko natulog kagabi wala pang 8pm ay nakahiga na ako at nakikinig ng music maya maya namalayan ko nalang na nakatulog na pala ako gsing pa mga bata siguro 10pm na yun kaya pinatulog na ko na din sila... Ngayon nalang ulit ako guys gumising na punong puno ng kasiyahan ang puso ko... Naniwala na ako na minsan nagkakatotoo ang panaginip hehehe. Gusto kong tumagal at hangang dulo...mabuti nalang at hindi ako sumuko...
Maulang gabi po sainyong lahat... Ngayong araw na ito madaming naganap..naubusan ako ng gasol,naghanap kami kanina ni bes nong nasa school ung mga bata. Buti nalang at may nakuhanan pa akong nagtitinda ng super kalan medyo pahirapan makahanap ngayon dito sa amin na non. Tapos bumisita sila bes sa amin sumama sila nong uwian na ng tanghali tuwang tuwa ang mga bata dahil madaming time silang nkapaglaro. Nagluto kmi ni bes ng macaroni soup tamang tama kasi maulan masaya at nakakapgod ang araw na ito pero sulit naman siya hehe sana maulit ulit para hindi gaanong mamis ng mga bata kasi knina nahirapan kaming paghiwalayin sila ayaw ng pauwiin si ate lon nila dahil sobrang nabitin pa sa paglalaro... Anyways alam niyo po ba ito pili po ito masarap po ito isawsaw sa toyo na may kalamansi or sa bagoong nako mapapadami kanin ko nito tara guys kain na po tayo..
Hindi ako makatulog kaingay..medyo excited ako lara bukas yung gusto kona matulog kasi para umaga na kaso ito nagmumuni muni pa..medyo maingay sa kaptibhay namin may nag vivideo ok. Puro love songs pa naman kinakanta yung mga paborito kong kanta kapag pinapatogtog kl sa tanghali..sige na guys pilitin kona matulog at bka mahuli ng gising bukas..goodnight sainyo..
Magandang gabi sainyong lahat... Sana ay nasa maayos parin kayo... Kumusta naman ang inyong mga bitcoin mukhang unti unti ng nawawala itong platform natin. Pawala n ng pawala yung mga mabubuting nagbibigay kaya mukhang kalaonan ay mawawala n din ito. Yung halos magdadalawang taon din nating pinagsamahan dito sa noise yung kahit mga virtual friends lang eh napasaya natin ang isat isa lalo na yubg mga nakaka inspired na mga post ng ibang user. Sobrang nakakamis din yung everyday may kita ka dito kong iwiwish granted lang ng universe mga hiling ko ito ang hiling ko na dapat na tuparin niya din. Yun ay mabalik sa dati ang noise.cash yung mga sponsors nito ay magkaron ng sapat na funds para lahat tayo ay magkaron ng biyaya. Para kahit papaano eh makatulong sa pang araw araw natin. Ako aaminin ko malaking kawalan sa akin kapag nawala na nga ang noise dahil dito mahigit dlwang taon din akong natulongan mula sa panload at gastosin sa bahay. May mga naipundar din akong gamit galing sa noise noon. Kaya sobrang thank you din tlga kaya wish ko na bumalik siya kahit sa maliit na paraan basta meron wag lang yung mawawala na parang bola ang sakit non pramis... Anyways goodnight na po sainyo ako ay magpapahinga na masakit ang aking kaliwang hita papunta sa tuhod yubg mga ugat kong maliliit ay lumalabas feeling ko na triger niya yung varicose vein ko kya sumasakit now..alam ko sa malamig na panahon dulot siguro ng ilang araw na umuulan dito sa amin.sige guys bukas nalang ulit salamat sainyo...
Ang mga bata talga ay mahihilig sa mga sweets lalo na itong cake..kuha ko pa ito nong bday ng kanilang tita ngayon ko lang naishare wala na kasing maicontent. Pagkakita ko sa cake ngayon ay bigla akong nagutom hehe bakit kaya ganun ang tiyan ko kapag may pagkain ayaw niyang kumain kapag naman wala na saka naman hahanapin. Everyday pinapanalangin ko na sana ay magbago at bumalik sa dati siya or kahit kapirangot lang nong dating ugali niya noon kasi d ako sa nagrereklamo pero sobrang namimis kona din yung ganung ugali niya... Dkona iisa isahin kong ano yun ksi alam niya na sa sarili niya kong ano yung mga yun hehe..anyways maulan,makulimlim dito sa amin sana bukas ay magpakita na si haring araw para eh may panibagong pagasa ulit akong nakikita...para sa akin kasi ang araw ay panibagong pagasa sa buhay natin kapag anjan siya sumikat,uminit ay ramdma natin ang ganda ng panahon compare kapag umuulan,makulimlim ay talagang malungkot...
Kamoteng kahoy... Meryenda po tayo maghapon po kaming nakatulog ngayon..medyo nakakainis kasi yung nngyari sa school knanina kung kilan eh nasa school n mga bta eh don mag sususpende ng klase dahil malakas daw ulan ngayong araw tapos ito makulimlim lang naman hindi nman tlga maghapon eh umulan tumitigil din tulad nong kahapon. Nkakainis lang kasi dapat kung magsuspende eh gabi pa para d nmn na magastosan mga parents lalo na sa madami ang anak tulad ko tatlo tapos baon nila and pamasahe... Kya dinaan nalang sa tulog maghapon yung inis..at ito kain po tayo kamoteng kahoy bigy ito ni bes nong nakaraan pang linggo now lang naluto...
Hay sa wakas makakahiga na din..maghapon din kasing nasa school atlhough nakaupo lang naman doon pero alam niyo nakakapagod din maupo don hehe.. pero ngayon time to relax na din nama po tayo parabukas ay may energy na ulit... Hindi pa rin bumabalik ang gana ko sa pagkain parang ang pakla ng panlasa ko matabang sa akin ang aking panlasa dko alam kong tlagangbmatabang yung pagkakaluto or yung dila koang ay maarte.. Guys paano ba ma overcome yong fear mo na mawala sayo yung taong pinakmamahal mo...yung ma sigurado mo sa sarili mo na mahal ka naman niya at dka niya kayang ipagpalit sa iba... Meron bang procedure non kung paano malagpasan ang ganung level sa love kasi fistime kong maramdaman yung ganong takot sa isang tao... Siguro nga ay obssesed nako or sobrabg possesive na sakanya kaya nagagawa ko mga bagay na yun..masakit marinig na nasakal ko siya na hindi na siya makahinga masakit marinig mismo sa knya bka dahil sa paghihigpit or sa way ng pagmamahal ko eh mawala yong love niya sa akin.. na hindi ako aware kasi na yun ang alam kong ugali ko kapag ako ay nagmahal yung ibubuhos ko lahat at gusto ko akin lang parang pakiramdam ko naging isip bata ako....siguro need ko ngang matauhan or pokpokin sa ulo para magbago... Hindi para sa iba kondi para sa sarili ko..pero ganun kasi ko magmahal kasalanan na po b yun? Ayoko ng marinig sa knya na ang hirap kong mahalin,intindhin yung sasabihin niya sa akin na hindi naman ako ganon dati maluwag naman ako saknya... Ayoko ng marinig sa knya yung salitang sakal...kasi ang pangit pakingan... Pero paano nga ba kaingay kong ganun na tlga ako po yung emotion ko mas nangingibabaw kaysa sa utak ko...yung gusto sumabgo ng puso kapag nasaktan. Paanl ko ba malalagpasan yung ganun ??
Sa wakas ay natapos din ako sa gawain ko ngayong araw na ito... Super nakaka stress pero kinakaya pa naman, Katatapos ko lang din magplantsa ng mga uniform nila kung kilan eh pahiga na saka ako nakaramdam ng matinding gutom sarado na pati kila mama... 2days na ata akong walang kain siguro po ang kinakain ko lang isang subo or dalawa tas aayaw na tas more tubig ako then matutulog para makalimot tapos ayon po malakas naman sabi ko nga sa sarili ko kaya pala ng tao mabuhay ng ilang araw kahit tubig lang... Pag tingin ko ngayon sa salamin ang pangit pangit ko na pala...biglang bumama lalo yung confidence ko pag hawi ko ng buhok ang dami ko ng maliliit na uban siguro yun yung reason kaya nasakit lagi ulo ko..kitang kita na yunh uban lumalabas na sa buhok ko..31years old palang ako pero ang dami dami na what if kung mas dumagdag pa ang edad... Pero sige na guys ako ay magpapahinga na bukas nalang ako kakain dahil wala na din tlga makain hehehe..
Kapag mahal mo ang isang tao babaan mo ang pride para magkaayos kayo para din sa sarili mo matahimik ka kahit na sobrang nasaktan ka... Ayos lang masasanay din ako...sabi nga diba hindi mo pwding ikulong ang isang tao sa isang bagay na alam mong hindi siya ok don kahit pa gustohin mong itago siya ay hindi mo pwding gawin yun... Hayaan mo na lang siya sa mga bagay na gusto niya lalo na kung sino ang gsuto niyang makausap para wala kayong pagawayan. Siguro lesson learned ko ngayon ay mas lawakan ko pa ang aking pangunawa sa mga bagay na gusto niya... Kahit naman noon lahat ng gusto niya ay sinusoportahan ko kahit labag sa kalooban ko dahil ayokong nakikitang nasasaktan o nahihirapan siya..nakita ko yung kaniyang itsura na nasakal siya sa kin nahigpitan siguro panahon ng hayaan ko siyang gumalaw na hindi ako kasama lagi...ganun siguro ang buhay yung noon na ikaw lang ang centro ngayon madami ng nakapalibot kilangan mo lang ng matinding pananalig sa diyos na makkayanan mo lahat... Minsan kahit ibigay mo na ang buong mundo mo sa taong mahal mo kung hindi ikaw ang kailangan niya ay hindi parin sasapat ang sobra... Baka someday marealize niya din or maalala niya din ako...basta ako andito lang susuportahan siya...
Alas dos palang pala sobrang tagal pala ng tulog ko. Humiga ako kanina mga 12noon dahil maaga nakapagluto yung papa ko ng tanghalian namin dahil siguro sa pagod at puyat ay nakatulog agad ako. Salamat sa diyos at nagisinh po ako ngayon kasi binangongot nanaman po ulit ako. Sa panaginip ko, nanaginip din ako pero sa panaginip ko ang nagyayari ay yung ngayong araw din. Yung mga damit ng mga anak ko ay nakikita ko ganun din sa damit nila ngayon. Pero hindi tlga ako mkagalaw, nong isang beses makagalaw ako akala ko ay magigisnh na ako or gsing na ako ay hindi pa pala ganun parin sotwasyon ko sobrang nanghihina na pakiramdam ko kanina na sobrang antok na sabi ko bahala na kung makagalaw o hindi hindi kona kayang lumaban. Pero pinilot kong imulat ang mata ko kahit nahihirapam na ay wala akong magawa kundi magdasal kasi halos hindi na po ako makahinga... Alam ng diyos na madami pa akong gagawin pwding gawin... Madami akong maiiwan na mga mahal sa buhay kaya sabi ko hindi pwd nasisink in sa utak ko na na bangongot tlga yun kasi ilang beses na ako nagsing sa panaginip ko na panaginip din pala yung sitwasyon. Parang merong munang shield na mga apat o limang beses bago ka tuluyang magising. May isang imahe akong nakita kaya ako nagsing alam kong kilalang kilala ko siya.. bday ngayon kasi ng kapatif ko sa panaginip ko narinig ko siyang dumating at deretso sa kwarto ko... Habang kinakausap niya daw ako sa panaginip ay kumakalma yung aking pakiramdam hangang sa parang isang panaginip na lang at bigla akong nagisinh at nakagalaw... Bigla ko siyang naalala tinext agad at kinamusta salamat sa kanya kasi dahil don nagising ako...
Simula nong magising ako ang bigat ng aking pakiramdam hindi ko namalayan kagabi kong anong oras na ako nakatulog...anong oras na ay hindi parin ako bumabangon yung sikmura ko simula kahapon walang kinain kumukulo at sumasakit na kasi walang laman pero yung bibig ko ayaw naman kumain...wala akong ganang kumain birthday ngyon ng bunso naming kapatid pero sobrang bigat ng katawan ko kumilos... Bakit ganun kung sino pang totoo siya pang mas nkakaramdam ng sakit, isang sorry lang sana... isang lambing lang sana... ay mapapawi na lahat... Gagaan n pakiramdam ko....
Bakit po ganun ang hirap maging matatag, napatunayan ko ngayon na sobrang mahina ako... Yung tipong iiyak na lang para mawala sng sakit kahit wala nmang gngwang masama kaso yung nraramdaman ko sobrang nahirapan n akong makahinga habang nkikita ko hindi ko napaghandaan ang ganun sitwasyon dahil alam niyang ako lng noon...gusto ko n sna umalis sa lugar n yun pero naisip ko parin ang dapat... Sana isa sa mga anak ko walang magmana sa akin... Dahil bka hindi nila kayanin yung sakit...sabi nga nagmamahal ka kaya ka nasasaktan...kasi kpag wala k ng paki sa knya khit n anong gawin niya hindi kna maapektohan...
Walang makitang pang almusal kanina kaya ito na lang hehe Sulit naman kapag may gantong sunny side up eggs.. Kumusta po kayo kumusta ang inyong sabado sa akin ay ayos na pakiramdam ko bumuti buti na din hindi tulad kagabi.
Kauuwi lang namin ng anak ko galing school salamat sa diyos at hindi ako pinabayaan na lumala yung nararamdaman ko don sa school. Umaga kasi bigla nalang sumakit tiyan ko busog naman ako baka sa lamig lang or nausog ako pero nagpalaway nako sa papa ko ay hindi parin siya nawawala. Kahit hindi naman ako natatae tlga or pabalik balik sa cr ay tryo kong bumili nito at baka bumuti ang aking pakiramdam. Nanghihina ako kapag biglang sasakit tiyan ko tapos pabugso bugso pa naman siya... Kaya ito napainom ng gatorade bka sakaling maayos niya loob ng tiyan ko po. Pahinga muna ko mga kanoise..
Morning everyone friday na ulit ngayon bilis lang ng araw. Super antok po ako ngayon anong oras nako nakatulog kagabi pinilit kong matapos yung labahan ko para mamaya ay masampay ko siya ayan uminit na din dito sa amin ilang araw ding hindi nagpakita si haring araw. Dito na kami sa school kinder lang may pasok ngayon na umaga kasi mamyang hapon yung panganay ko assessment kasi ulit sila...
Magandang hapon po lahat na siguro nagtanghalian ano po ito kami ay kakain palang pinauna lang namin yung aming mga anak bago kami kumain. Tara po kain muna tayo.
Goodnight everyone Pasenxa na at minsan nalang makapag post super busy po kasi ngayon po ay kahihiga ko pala po naglaba kasi ako tagal ng tubig tapos nagluto knina naglinis din ng bahay medyo malamok nanaman kasi. Pagdating ko ng bahay galing school derwtso na ako asikaso. Naghanap pa ako ng panghulog ko and pambaon din ng mga bata bukas dahil 50pesos nalang tlga yung pera ko kanina. Mabuti at may mabuting loob akong nahiraman at na solve yung problema ko ngayon at bukas. Kaya ito guys mkakapagpahinga pa lang. Bukas nalabg ulit po at masyadong pagod ngayon araw na ito..
Good noon everyone naglunch na po ba kayo andito kami sa court kami ay tambay dito at yung mga anak namin ni bes nagaaral muna sila habang breaktime. Kumusta nman po kayo jan kaingay maulan mainit dito sa amin. Yung anak ko naman puro cp naman hahaha
Magandang umaga po sainyo Super busy kya ngayon lang ulit nakapag post dito sa noise.app Ito nagutom na habang nagbabantay dito sa school almusal po tayo kaingay. Nagalmusal na din po va kayo? Sabayan niyo na po ako
Hindi nasundo ang kambal dahil may trbho c papa kaya ito tambay din sila ngayon dito sa court inantok na yung isa kaya sabi ko sige na mahiga na siya at yan nga ay nkatulog na sana itong isang bulilit na ito ay matulog na din para wala ng pasaway habang ngaantay ako dito...
Maulan dito sa amin andito na kmi sa school. Maulan ang monday nakakaantok tumambay sa court kumusta naman po kayo mukhang tahimik nanaman dito sa noise.app.
Siguro ay lucky day ko ngayon hehe basta po ay masaya lang po ako... Kubg pwd lang na laging masaya ano po kaso sympre nasa mundo tayo ng puno ng hiwaga na dapat e alam natin kong paano sakyan yung mga tao or mga nakapaligid sa atin ay may times talaga na malas ang araw mo pero dapat ay malagpasan mo yun. Anyways madaming nangyari sa araw na ito pero kilangan ng magpahinga ng aking katawang lupa para bukas ay sasabak nanamn sa pagbangon ng maaga para sa mga excited ko laging mga studyantw sana eh hangang pag college d sila magbago hehe. Sana eh masaya din ang inyong linggo merong ngiti sa mga labi bago matulog ☺️ goodnight everyone😘
Magandang hapon po sainyo katatapos lng ng aking gawain. Kumusta naman ang inyong linggo sana ay ayos lang po kayo masayang nagbobonding kasama buong pamilya. Kami po ay pagkatapos magtanghalian at makatapos ng gawain ay nagpapahinga kami nood sa youtube libang libang hangan sa itong kambal ko ay naktulog na pala habang nanood sa cp. Hindi pa nga ako nakakaligo sobrang nakakatamad kumilos kapag may pula. Sana mamaya ay sipagin na para gumanda naman ang pakiramdam ko. Uminit ulit dito sa amin akala ko ay tuloy tuloy na pagulan d pa napapatuyo yung mga kumot mabuti nalang mabait si haring araw at nagpakita ulit siya...
Magandang araw ng sunday noisefriends Share ko lang itong achievement ng kambal ko nobg friday Kasali sila sa Miss Un nirepresent nilang bansa ay USA at Thailand. Sobrang nag enjoy ang kambal kahit na napagod ako ayos lang makita ko lang silang masaya ay doble ang sayang naramdaman ko...
