Kapag mahal mo ang isang tao babaan mo ang pride para magkaayos kayo para din sa sarili mo matahimik ka kahit na sobrang nasaktan ka... Ayos lang masasanay din ako...sabi nga diba hindi mo pwding ikulong ang isang tao sa isang bagay na alam mong hindi siya ok don kahit pa gustohin mong itago siya ay hindi mo pwding gawin yun... Hayaan mo na lang siya sa mga bagay na gusto niya lalo na kung sino ang gsuto niyang makausap para wala kayong pagawayan. Siguro lesson learned ko ngayon ay mas lawakan ko pa ang aking pangunawa sa mga bagay na gusto niya... Kahit naman noon lahat ng gusto niya ay sinusoportahan ko kahit labag sa kalooban ko dahil ayokong nakikitang nasasaktan o nahihirapan siya..nakita ko yung kaniyang itsura na nasakal siya sa kin nahigpitan siguro panahon ng hayaan ko siyang gumalaw na hindi ako kasama lagi...ganun siguro ang buhay yung noon na ikaw lang ang centro ngayon madami ng nakapalibot kilangan mo lang ng matinding pananalig sa diyos na makkayanan mo lahat... Minsan kahit ibigay mo na ang buong mundo mo sa taong mahal mo kung hindi ikaw ang kailangan niya ay hindi parin sasapat ang sobra... Baka someday marealize niya din or maalala niya din ako...basta ako andito lang susuportahan siya...
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet