Secret love?

0 15
Avatar for Wonderfull
2 years ago
Topics: Secret Love

Secret love ?? Ito ba ung tipo na kahit mahal mo na ung isang tao e pilit mo parin itatago para lang protektahan ang friendship nyo o para lang hindi mawala ang pagiging closeness nyo ??..

Marami sa atin na ganito ang nangyayari, pinipilit na itago ang nararamdam nila para maging matagal pa ang samahan nila.

Isa ako sa mga nakaranas ng secret love nung highschool ako. Mas pinotrektahan ko kasi ang friendship namin. Masaya kasi ang highschool life ko. Mayroon ako mga naging kaibigan at bestfriend seens 1st year ko sa school hanggang sa makagraduate kami. Dahil sa tagal ng aming samahan at sa dami ng aming pinagsamahan nakaramdam ako ng isang pagmamahal. Sino ba naman ang hindi mapapamahal sa taong laging nandyan para sayo,lagi nagcacare sa mga kilos mo? Diba! Kahit naman ikaw nararamdaman mo rin ung love na sinasabi ko.?.

Nang papalapit na ng papalapit ang graduation ko dun sinabi na may nararamdaman ako sa kanya,kasi alam ko na matatapos na ang lahat ng meron kami dahil magkakahiwa hiwalay na kami. Doon ko rin nalaman na kaya pala sya ganun ka care sa akin ay parehas kami ng feeling sa isat isa. Tulad ko,mas pinili nya ang friendship namin kaysa sa relationship.

Nakakapanghinayang pero syempre,sabi nga nila sa di ukol di bubukol. Masaya naman ako sa mga arawna kasama ko sya at sa mga araw na lagi syang nasa tabi ko.. Sa kanya ko naranasan ang pagmamahal pero secret nga lang!

Kayo ba may mga karanasan kayo na tulad sakin.?

4
$ 0.02
$ 0.02 from @Oikawa

Comments