Sunset Nightmare

0 12
Avatar for Woba
Written by
3 years ago
Topics: Short Story

"Ang ganda..."

"Grabe, ang relaxing tingnan..."

Sa iba siguro.. ligaya ang dala ng takip-silim. Sa akin, bangungot.

Hudyat ito na magsisimula na naman akong makipagbakbakan sa dilim na walang hawak na lampara. Ni apoy, hindi rin kaya.

Flashlight, wala.

Iisang palito na nga lang ng posporo ang meron ako, pinansindi ko pa ng sigarilyo.

"Ale," tawag sa akin ng isang dalagita. Prente akong nakasandal sa sementadong posted nang lapitan niya ako. "Pwede po bang pa-piktyur?"

Tinaasan ko lang siya ng kilay nang iniabot niya ang cellphone niya na tinanggap ko rin para lubayan ako agad.

Kinuhaan ko lang siya ng ilang litrato habang nasa likuran niya ang araw. Paalis na sana ako nang tawagin niya ako.

"Ale."

"Ano?"

"Hindi po ba kayo nagagandahan sa araw?" tanong niya.

Kumunot ang noo ko na nawala rin at pumalit naman ang ngisi sa bibig ko. "Sawa na ako d'yan," sagot ko.

"Halos araw-araw ko nang nakikita ang paglubog n'yan. Wala ng bago," dagdag ko pa.

"Di ba, dapat kang mamangha sa gawa ng kalikasan?" tanong niya ulit. Hindi ko alam kung ba't bigla na lang akong natawa.

"Siguro hindi na ganyan ang magiging reaksyon mo sa takip-silim, 'pag ikaw na mismo ang pinaglaruan nito," sabi ko sa kanya nang malumanay.

Puno ng pagtataka ang mukha niya. "Ano po?"

Inayos ko ang gusot at marumi kong damit bago ako nagsalita.

"Ayusin mo na lang desisyon mo sa buhay para hindi maging ganito ang kahihinatnan mo. Umuwi ka na bago magdilim pa ng sobra ang langit." Matipid akong ngumiti. Umiling na lang ang dalagita at umalis.

Pinagmasdan kong muli ang nakalubog na araw. Naalala ko ang nangyari sa akin bago maging ganito ang sitwasyon ko.

Manghang-mangha rin akong nanunuod rito wala sa hinagap na mapaglalaruan ako nang pauwi na.Tahimik na pinapanuod ng araw ang katawan kong pinagparausan.

Noong sandali na yon, kasabay ng pagdilim ng langit ang pagdilim ng puso at buhay ko. Naibulong ko na lang sa sarili, "wala na ang halaga ng takip-silim para sa akin."

-END-

1
$ 0.00
Avatar for Woba
Written by
3 years ago
Topics: Short Story

Comments