Lalaking nagba-bike para pumasok sa trabaho, hinuli sa Marikina City matapos niyang ibaba ang kanyang facemask para uminom ng tubig.
"Nagpahinga lang ako, binaba ko ang facemask ko para uminom ng tubig dahil ang layo ng bina-bike ko mula Montalban to Mandaluyong para pumasok. Bigla ako hinuli ng mga pulis, pinasakay sa sasakyan at dinala sa headquarters nila," ayon sa lalaki.
Pinatawan din ang lalaki ng multang P1,000. "Para akong holdaper o rapist na pinicturan pa ako na may hawak na karatula na nakatagilid at nakaharap. Feeling ko sobrang laki ng kaso ko, binaba ko lang facemask ko para uminom pero hinuli agad ako ng walang warning at pinasakay agad ako sa mobile at pinaiwan 'yung bike ko sa park."
Mahigpit na ipinapatupad sa lungsod ng Marikina ang City Ordinance #47 o ang pagsusuot ng facemask. Pero ang apela ng lalaki sa mga humuli sa kanya, "sana maging patas kayo. 'Wag kayong gahaman. Sana magtulungan tayo, hindi 'yung manggugulang ng tao dahil pandemic ngayon. At 'yung 1k na hiningi niyo sa akin, mahirap hanapin 'yan lalo na't walang-wala kami ngayon dahil sa pandemic. Pang bigas na rin 'yang 1k na 'yan."
In my opinion, mas maraming iba dyan na mas matitindi ang ginagawang kasalanan, sana sila nalang ang hulihin. What I mean is yes mali ang walang face mask or mangtanggal pero sana bigyan man lang ng konsiderasyon at pag unawa si kuya.
Ikaw anong say mo?
Same