Ang pagmamahal ng isang ina.

0 21
Avatar for Wilma14
3 years ago
Topics: Story

By:wilma real santos

Ang storya po na ito ay base sa totoong kwento o imahinasyon lamang...

Si ginang santos ay isang labandera sa araw at sa gabi naman ay isa siyang tindera ng balot at siya ay mayroong isang anak at ito ay si ana, si ana ay isang sosyal, pasaway at bastos na anak at ito ay nagaaral sa isang private school kung saan siya ay nagpapangap na mayaman , sa harap ng kanyang mga kaklase.

Isang araw nakalimutan ni anna ang kanyang baon, dahil sa pagmamadali at ito ay idinala ng kanyang ina sa kanyang anak. Anak! Tawag ni ginang santos kay ana ,

Classmate1: ha? Ana nanay mo siya kala ko ba mayaman ka.

Anna: Ha hindi ah katulong lang namin yan. Oh yaya , tawag niya sa kanyang ina habang pinandidilatan niya ito ng mata,

at wala itong magawa kundi hayaan bastusin siya ng kanyang sariling anak.

Nanay: ah , ou katulong lang nila ako , sabi niya sa mga kaklase ni anna ,nasanay lang akong tawagin siyang anak dahil ako na ang nagalaga at nagpalaki sa kanya , simula ng siya ay isinilang , ang sabi niya sa mga kaklase ng anak upang ito ay wag mapahiya at lalo ng wag ito magalit sa kanya.

Anna: Ou' anak ang tawag niya sakin, ah yaya bakit nga pala kaw nandito. Tanong niya sa ina.

Nanay: ah anak , maam nakalimutan mo kasi ang iyong baon sa pagmamadali mo kanina , at naisipan kong dalin na lang dito.

Anna: ah, okey salamat maaari ka ng umalis . Nakakasira ka ng araw ko. Tara na nga mga best.

At kinuha nga ni anna ang baon sa kanyang ina. At ito ay umalis ng malungkot at nagdadamdam. At pumunta na sa kanyang paglalabahan ng damit.

Kinagabihan kinompronta ni anna ang kanyang ina,

Nanay: oh anak anjan ka na pala, tara kaen na ibinili kita ng paborito mong ulam.

Anna: kumaen kang magisa mo.

Nanay: anak naman tara na wag ka ng magalit kay nanay , nagaalala lang naman ang nanay sayo at baka hindi ka makakain dahil naiwan mo ang baon mo.

Anna: Wag magalit ha , pano kung nalaman ng mga kaklase ko na mahirap ako, alam mo ba yun ha iiwasan nila ko. Letcheng buhay to sana hindi na lang kaw ang naging ina ko , sana iba na lang.

At iniwan niya ang kanyang ina na umiiyak at dumiretso si anna sa kanyang silid.

Pov: pinabayaan muna ni ginang santos na lumamig ang ulo ng kanyang anak. At kanya ng inayos ang ititindang balot mamaya. At kumatok siya sa kwarto ng kanyang anak at nagpaalam.

Ginang santos: Anna , anak aalis na si mama magtitinda na ko ng balot . Nasa my lamesa ang pagkaen pag ikaw ay nagutom. Anak patawarin mo na ang mama. Sige na anak alis na si mama para marami akong mabenta. I love you anak.

Paalam niya sa kanyang anak, ngunit hindi siya pa rin nito kinakausap. Umalis na si ginang santos , at nagtinda na ito.

Kinabukasan pinuntahan niya ang kanyang anak sa kwarto nito. Kumatok siya sa pinto ng kanyang anak. Tok tok tok.

Ginang santos: anak gising na umaga na mahuhuli ka na sa iyong iskuwela. Anak bangon na jan.

Anna: okey!

Ginang santos: halina at bumababa ka na para magalmusal.

Lumabas na nga ng kwarto si anna at tumungo sa kanilang kusina , habang sila'y kumakain ay kinausap siya ng kanyang ina.

Ginang santos: anak, malapit na nga pala ang birthday mo mag 18 ka na , ano nga pala ang gusto mo sa iyong kaarawan.

Anna: Gusto ko , sigurado ka kaya mong ibigay, pagmamataray nito sa ina.

Ginang santos: ou anak kahit ano gagawin ni mama para lang sayo at para wag ka na magalit sakin.

Anna: so pwes mama ganto gusto ko, gusto ko sa 5 star hotell ako magdedebut, with 18 roses,18 candle, 18 gift basta yung engrandeng debut ano kaya mo bang ibigay yun, dahil pag nabigay mo yan hindi na ko magagalit sayo.

Bigla napaisip si ginang santos.

Ginang santos: hindi ba pwedeng simpleng celebration lang anak, medyo kasi malaki ang gastos ng gusto mong debut.

At nagalit si anna.

Anna: Di ba , nagtatanong ka kung anung gusto kong birthday.( pambabastos niya sa kanyang ina) ah basta yan ang gusto ko , wag na wag mo kong ipapahiya sa aking mga kaibigan at kaklase dahil pag nangyari yun itatakwil kita. Hindi muna ko uuwi dito sa bahay , hanggat di mo nabibigay ang gusto ko.

At umalis na nga ang malditang anak ni ginang santos, habang ang kanyang ina ay iyak ng iyak.

(Pov ginang santos) anu ba nagawa ko at ginaganito mo ko anak, hindi naman ako naging masamang ina sayo, pangako tutuparin ko ang gusto mong birthday celebration pangako yan anak. At ito ay nagayos na upang maglaba, kahit na wala pa itong kain.

Kinagabihan hindi pa din umuuwi ang kanyang anak. Sinabi na lang niya sa kanyang sarili na baka galit pa sakin ang aking anak , kaya hahayaan ko muna siya

, magdamag nagiisip si ginang santos kung panu niya tutupadin ang gustong celebration ng kanyang anak.

Isang araw habang siya ay naglalakad, my nakita siyang nakasulat sa isang papel na nakadikit sa isang pader, agad siyang nagpunta sa bahay nito. Nagdadalawang isip siya kung tama ba ang kanyang gagawin , ngunit sa pagmamahal niya sa kanyang anak, ay nakabuo siya ng desisyon.

Doorbell( ding dong ding dong) at my lumabas na tao sa malaking bahay.

Ginang santos: magandang araw po, ako po ay si ginang santos, nakita ko po kasi ang telegrama po ninyo sa isang papel.

Don cruz: halika pumasok ka sa bahay, at ating pagusapan .

Pumasok nga si ginang santos at si don cruz sa bahay.

Don cruz: maupo ka

Ginang santos: salamat po

Don cruz: hindi na ko magpapaligoy ligoy pa anu kailangan mo.

Ginang santos: nakita ko po kasi na nangangailangan kayo ng puso para sa operasyon ng anak ninyo.

Don cruz: tama ka . At bakit

Ginang santos: hindi na po ko magpapaligoy ligoy pa, nais ko po ibigay ang aking puso kapalit po ng isang hiling.

Don cruz: sigurado ka ba sa gagawin mo?

Ginang santos: Sa una po ay natakot ako, pero wala na kasi ako mautangan at malapitan pa kaya kakapit na po ko sa patalim kahit na ang buhay ko po ang kapalit.

Don cruz: buweno kung buo na ang loob mo, sige at ano ang gusto mong kapalit.

Ginang santos: Gusto ko pong bigyan ng engrandeng celebration , ang aking anak , na kahit ang buhay ko ang kapalit. Makita ko lang siyang masaya at isa pa po , maaari po bang iabot ninyo ang sulat na ito kapag wala na ko sa mundong ito.

At dumating na nga ang kaarawan ni anna. Ito ay isang engrande at ginastusan ng mahal , samantalang hindi niya alam na ang kanyang ina ay isang malamig na bangkay na kapalit ng kanyang engrandeng kaarawan.

Anna pov( wow si mama talaga , sabi niya hindi niya kaya ang gantong kaengrandeng debut., nasan na nga pala siya)

Lumapit si don cruz kay anna

Don cruz: oh ! Anna nagustuhan mo ba ang iyong kaarawan

Anna: opo gustong gusto po, ngunit nasan po si nanay.

Don cruz: narito sa sulat ang kasagutan sa tanong mo.

At iniabot na nga ni don cruz kay anna ang sulat ng kanyang ina.

Dear anna:

Anak pasensya ka na ha , ganito lang si mama eh. Pasensya ka na anak kung sa tingin mo napapahiya kita sa mga kaibigan at kaklase mo. Anna sana nagustuhan mo ang inihanda kong surpresa para sayo anak, sana mapatawad muna si mama, mahal na mahal kita anak at kahit nasan man ngayon si mama , lagi mo tatandaan anak lagi lang ako magbabantay sayo , MAHAL NA MAHAL KITA ANNA.

Love:mama

Anna: asan po si mama , nasan po siya ( habang umiiyak)

Don cruz: wag ka mabibigla anna wala na ang iyong ina ipinagpalit niya ang kanyang buhay, kapalit ang engrandeng celebration ng iyong kaarawan, ganyan ka kamahal ng iyong ina anna. Nandun siya sa morge ng hospital ngayon.

Anna: hindi po totoo yan, ( habang nanlulumo) nasan po si mama , hindi ako naniniwala sa inyo. Mama ko

Walang nagawa si anna kung hindi tumakbo papuntang morge ng hospital . Para puntahan niya ang kanyang ina na sumakabilang buhay na , lubos ang pagsisisi at paghingi ng tawad ni anna sa kanyang ina. Ng biglang my malamig na hangin na tila yumakap sa kanya , at ito ay bumulong kay anna, ito pala ay ang kanyang ina, anak happy birthday, hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko anak dahil sa pagmamahal ko sayo lahat ay gagawin ni mama, at napatawad ka na ni mama anak mahal na mahal kita anna. At unti unti na itong naglaho, walang nagawa si anna kundi umiyak at pagsisihan ang mga nagawa niyang mali at pagpapahiya sa kanyang ina.

Noted: ang pagmamahal ng isang ina kahit ang buhay ay handang ipalit para lang mapasaya ang anak.

Lesson: mahalin mo at pahalagahan ang iyong ina habang sila ay nabubuhay pa. Dahil nasa huli ang pagsisisi.

-2
$ 0.00
Avatar for Wilma14
3 years ago
Topics: Story

Comments