read.cash Log in
@WhyEugene more from that month

Good Evening Boys and Girls. 😁 Bago ang lahat gusto kong ikwento sa inyo yung naranasan ko sa una kong trabaho. Ang pasok ko nun ay tatlong shifting may 6am to 2pm, 2pm to 10pm at 10pm to 6pm pero ang pinaka ayaw ko yung 2pm to 10pm kasi commute lang ako nun at ang layo pa ng uuwian ko mula Epza to Trece dun sa Cavite. Wala na akong masakyan, minsan tsambahan na lang kung may byahe pa ng ganung oras kaya inaabot na ako ng 1am or mga 3am. Tapos yung nakasama ko sa bahay na katulong ng aking tita kasi sa tita pa ako pansamantala na tumutuloy sinumbong ako na tanghali na ako gumigising kaya minsan nakakasama ng loob dahil hindi naman nila nakikita yung sitwasyon. Tiniis ko yun para may 1 year experience ako sa trabaho kaya nung nag 1 year na nagresign na ako at nag move na dito sa La Union sa bahay din ng isa kong tita para makasama ko yung mga magulang ko. Ngayon masaya na ako dahil nung nakahanap na ako ng bagong trabaho na ang pasok ko ay 8am to 5pm tapos walang pasok ng Saturday at Sunday kasi government, naging maayos ako hindi ako nahihirapan magcommute dahil unang sahod ko pa lang pinambayad ko na sa pagkuha ng motor.😁 Habang binabasa niyo ang kwento ko, tara kain po tayo ng fish cracker ito po yung snack na niluluto na parang popcorn kailangan mo lang siyang ibabad sa kumukulong mantika.πŸ˜‚

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.