read.cash Log in
@WhyEugene

@WhyEugene in February 2022

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls. πŸ˜‚ Ngayong umaga balak kong mag drawing o mag kulay ng mga bagay-bagay para bumalik sa dating kulay kasi may mga nababasa ng ulan kaya kumukupas yung kulay syempre nature yun di rin natin inaasahan mga bagay na ganun.πŸ™‚ Yung gagamitin kong pang kulay ay tiny paint at water color. Tinatanong kung bakit may water color kasi kapag kapag gusto ko ng ibang kulay hinahalo ko sa tiny paint. πŸ˜‚ Sige mag pinta muna ako. 😁

@WhyEugene

Guys, update ko po kayo sa aking pagpinta. Ito na po ang aking nakulayan mga statue sa harden tulad na lang nitong mga dwende. 😁 Alam kong pito dapat yan kasi sa palabas na snow white and the 7 dwarfs pero nasira na yung iba eh 2 lang ang na-save. πŸ™‚ Pinapatuyo ko na lang para mailagay na ulit sa hardin. Teka malapit na palang mag tanghalian kailangan pa naming maghanap ng pwedeng lutuin...πŸ˜‚

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls. 😁 Ang dami naming napitas na Calamansi sa aming hardin pero kailangan din naming putulin ng kunti yung puno kasi tumatama na sa bubong malapit din sa linya ng kuryente natatakot din kami kaya pinutol na namin. πŸ™‚ Nga pala guys, magpapagawa din kami ng bubong kasi medyo luma na pinatingin namin sa engineer yung bubong kung magkano yung magiging presyo sabi aabot daw ng 27K kasama na daw yung pintura at yung daanan ng alulod kasi napansin niya na…

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls... 😁 Tara kain po tayo ng chicharon, ang laki pala ng nabili namin tamang-tama sa pinapanuod namin sa Netflix yung All of us are Dead. Panuorin niyo guys sobrang ganda hindi ko ikukwento kung anong meron dun kasi hindi niyo ma feel yung palabas. Chocolate sana bibilhin namin kaso pag dating sa cashier wala pa daw price tag. πŸ˜…

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls.😁 Ang ganda ng aming umaga dahil sa aming kinakaing pancake walang honey buti na lang may butter. πŸ˜‚ Tapos nakikinig lang kami ng soundtrack ng enkanto tulad ng we don't talk about bruno at surface pressure. Alam ko LSS din kayo sa kanta na yun mula nung napanuod niyo.πŸ˜‚ Anyway, enjoy na muna namin aming breakfast. 😁

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls. 😁 Work From Home ako bukas parang ang bilis ng araw Friday agad ganun talaga kapag sobrang seryoso sa trabaho di na minsan napapansin bumibilis ang oras. πŸ•€ Anyway guys, nakalimutan kong bumili ng insects spray buti na lang at may katol akong nakita sa aming cabinet kasi malamok kahit anong ingat mo syempre maliit lang sila kaya pwede ka pa din silang lumusot sa mga maliit na butas. πŸ™‚ Ingat din po sa pag tulog niyo. Good Night... 😴

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls. πŸ˜‚ Dahil work from home ako ngayon, ako muna yung naghehelpdesk sa mga online clients namin. Sasagot sa mga concerns at pag retrieve ng mga forgot passwords binibigyan ko sila ng temporary password para sila pa din ang gumawa ng kanilang magiging password. Anyway, may time ako na alagaan ang mga alaga kong hayop kakatapos lang nila kumain ng feeds. Kailangan ko ding lumabas para bumili ng spaghetti kasi death anniversary ng kapatid ko ngayon kaya…

@WhyEugene

Good PM Boys and Girls. 😁 Tara kain po tayo ng spaghetti meryenda po namin ngayon. May occasion man o wala hahanap-hanapin mo ang sarap ng lasa ng spaghetti. πŸ˜‚πŸ Buti na lang at work from home ako ngayon dahil matutulungan ko pa mag sagot ng module yung kapatid ko syempre siya yung pinapasulat ko para matuto siya sa susunod tapos kapag natapos ng sagutan pinapareview ko siya. 😁 Kapag hindi alam, wag pagalitan maging mapagpasensya. πŸ˜‚

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls. πŸ˜‚ Tara breakfast po tayo. Ito nga po pala ang aming breakfast ngayon pritong bangus with egg and tomato. Yung gusto kong luto sa pritong bangus yung brown na brown para yung tinik niya makain din kasi alam naman nating matinik talaga ito. πŸ˜‚

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls. 😁 Tanghalian na, hindi muna kami mag rice ngayon kaya umorder na lang kami ng baked macaroni with pizza tag-iisa kami. 😁 Lumabas kami ni mama para mag hanap ng cellphone para sa kanya may nabili na siya kaya ipopost ko na lang mamaya kung anong brand niya. Sa ngayon kain muna kami kasi napagod kami kakaikot sa mall sa paghahanap ng mga magandang quality. πŸ˜‚

@WhyEugene

Guys, ito po yung nabiling cellphone ng mama ko, Realme Narzo 50i ang kulay ay Mint Green. Bagay na bagay talaga sa kanya itong cellphone dahil favourite niya ang kulay green. Ang dami naming inikutan mga store para maghanap ng mga cellphone magaganda sana mga cellphone kaso mahal di pasok sa budget kaya dito siya nakabili sa Realme syempre di ako pwede makialam dahil si mama naman yung gagamit. 😁 Baka daw gusto kong palitan yung cellphone ko sabi ng seller sa akin sabi ko…

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls. πŸ˜‚ Ngayong umaga ay lumibot kami ng aking kapitbahay as a friend para samahan siya sa bayan. Hindi kami nakamotor kaya viewing lang ako sa sasakyan niya. πŸ˜‚ Hindi ko din alam kung bakit ako sumama siguro mabait lang talaga ako lalo na sa kapitbahay. 😁 Anyway, nakita ko itong customized na motor wow daming accessories sa motorcycle niya, balak ko din gawin sa motor ko pero di ko pa tapos bayaran mga 1 month na lang babayaran ko. 😁

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls. πŸ˜‚ Medyo late na kami mag tanghalian tapos nag brown out pa pero meron kaming presentation. Ang ulam po namin ngayong tanghali ay Hamholog (Ham with Egg and Hotdog). πŸ˜‚ Naisipan ko lang pangalan kasi pinagsama yung tatlong ulam. 😁 Kayo guys, kumain na po ba kayo. πŸ™‚

@WhyEugene

Magandang Hapon Boys and Girls...😁 Pasensya na ngayon lang nakapagpost kasi busy sa work tapos nagbayad pa ng mga bills sa bahay. Buti na lang pag uwi ko sa bahay nakaluto na ng pagkain, ang niluto nga pala niya ginataang baboy. Actually, sa akin na lang daw ito kasi kumain na daw sila pinagtira na lang ako. πŸ˜‚ Tara kain po tayo. 😁

@WhyEugene

Painting yern. πŸ˜‚πŸŽ¨πŸ‘ŒπŸ» Nag eenjoy lang ako dito sa filter ng phone ko. Dahil favourite ko ang kulay orange, kunwari kinukulayan ko yung motor ko ng kulay orange gamit yung color pencil ng kapatid ko parang abstract lang. πŸ˜‚ O di ba ganda yern. πŸ˜‚βœοΈ

@WhyEugene

Good PM Boys and Girls. πŸ™‚ Guys, gusto ko sanang takpan sa kalendaryo yung February 14 para hindi naman nasasaktan yung katulad kong single pero yung kasunod na month yung March parehas ng day. πŸ˜‚ Ganun po ba talaga guys? πŸ™‚

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls. 😊 Nagpapaayos kami ng bubong, kanina pa silang umaga nag umpisa habang ako'y papasok sa trabaho nangan naman si mama para bantayan ang mga gumagawa sabi sa amin kailangan daw muna nilang kuskusin ang mga kalawang tapos huhugsan tapos kinabukasan pipinturahan pinakita sa amin yung kinuhanan nila sa bubong ng bahay namin grabe sobrang kalawang na nga akala nga namin kailangan ng palitan pero sabi sa amin ok pa naman kuskus lang daw sa kalawang.…

@WhyEugene

Good Night Boys and Girls. 😁 Throwback lang muna kasi nakakamiss gumala sa gabi kung wala sanang pandemic na dinaranas natin ngayon edi sana nasa galaan yung walang curfew. 😊 Sabi nga nila delikado ng gumala sa gabi pero syempre pupunta ka sa mga matataong lugar tulad ng night market madami kang mabibiling mga street foods nakagala ka na mabubusog ka pa. Actually, meron pa rin namang night market di ko lang trip lumabas. πŸ˜‚ Trip mo pero wala kang pangastos dahil pinili mong…

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls. 😁 Tara breakfast po tayo nagluto po ako ngayon ng itlog na may ham nilagyan ko lang ng mga design tatawagin ko itong Emoji Breakfast. πŸ˜‚ Pwede siyang sandwich at pwedeng ulamin it's your choice. 😁🍳

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls. πŸ˜‚ Kakauwi lang galing sa trabaho grabe napagod ako mag encode ng mga data ng mga OFW na naprocess namin. Kaysa ma-stress ako ikain na lang ng masarap na meryenda. Bumili po ako ng kutsinta na may kasamang yema para maging matamis. 😁 Bago makalimutan nakuha ko na po yung pinagawa kong temporary plate para sa motor ko kasi kada checkpoint lagi akong hinahanapan alam naman nilang wala pang nirerelease ang LTO na plaka kaya nagpagawa na ako. πŸ™‚

@WhyEugene

Guys, simpleng prepare lang sa aming hapunan, bumili kami ng talong para prituhin kasi trip naming kumakain ng walang kutsyara, kamay-kamay lang. Nakahanda na din ang sawsawan namin yung toyo mansi at sili para maging masarap ang kain. πŸ˜‹πŸ΄πŸŒΆοΈ Kayo guys, anong ulam niyo po ngayon? 😁

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls. 😁 Ngayong umaga ay magluluto kami ng Bulalo pero kaninang madaling araw inuna na namin pakuluan ang karne ng baka para malambot tapos sunod na naming nilagay ang buto dahil hindi siya bulalo kung walang kasamang buto yung sinusupsup. πŸ˜‚ Kaya kami nag luto para sa tanghalian ng mga gumagawa sa bubong namin kasi malapit ng matapos kaya naisipan namin na sa ganitong paraan kami magpasalamat sa kanila syempre kasi nagtratrabaho sila sa initan tsaka…

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls. 😁 Sorry kung hindi ko napakita yung luto naming bulalo kasi pumasok ako sa work pag uwi ko naman sa bahay nakalimutan ko dahil sa sobrang pagod. Nga pala galing kami sa labas kanina at doon na rin kumain ng tanghalian tapos gumala kami sa mall at may nabili kaming mga Japanese food tulad nitong yogurt wow sobrang sarap ang daming flavours tapos mabibili mo sa halagang 88 pesos. πŸ‘ŒπŸ» Madami guys, pero syempre tikim-tikim muna. πŸ˜‚

@WhyEugene

Guys, sa halagang bente pesos, nagkaroon ako ng 4+1 na token bale 5. 😁 Ang unang nilaro ko yung manghuhula para magkaroon ng 3 token at ayun nanalo ako dun tapos di na ako umulit tapos pumunta na ako sa mga claw machine at nakakuha ako ng dinosaur na kulay sky blue at elmo na kulay pink ang cute nila grabe ang saya ko sabi nga nung katabi ko madali lang ba kumuha gan sabi ko tiyambahan lang po. πŸ˜‚Sinuwerte lang ako ngayon yung iba ko pang token pinang-arcades ko na tulad ng…

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls. πŸ˜‚ Happy Sunday to all, ngayong umaga bumili lang po ako ng tinapay pang almusal namin, pandesal sana yung bibilhin ko may nakita akong Hong-Kong Bread kaya bumili ako. Actually, pandesal din ito pero nilagyan lang ng matamis sa ibabaw pero hindi malaman kong melting cheese o sugar basta sobrang sarap niya at malaki pa. πŸ˜‚ Dapat ginawa na lang non-working day yung Valentines day para yung mga mag asawa mag-dadate, separate din yung mga single at…

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls. 😁 Ngayong valentines day, naka-schedule ako sa bakunahan ng booster pati yung mama ko pero mamaya pang alas-tres kaya may oras pa ako para mag trabaho hindi muna ako magpapakapagod para walang side effect yung booster. πŸ˜‚ Nag paalam ako sa boss ko pero sabi niya baka may kadate na ako. πŸ˜‚ Susunduin ko pa yung mama ko pag out ko ng 2:30. Updated ko na lang kayo mamaya. πŸ˜πŸ‘

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls. 😁 Hindi kami umabot sa bakunahan ng booster, nagpaalam pa naman ako ng maaga sa boss kasi sinundo ko pa yung mama ko bahay kasi sabay kaming tinext pero pag uwi ko naman nandun yung gumagawa sa bubong ng tita ko pero natapos na nila at nagliligpit. Inaantay pa naming makaalis yung mga tao kaso mga 4:13pm na sila nagsi-alisan. Pagpunta namin dun sarado na hanggang 4:00pm lang daw sayang sana ako na lang muna pero syempre magulang ko yun. πŸ˜” Pero…

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls. πŸ˜‚ Sorry kung ngayon lang ulit ako nagparamadam, hindi po ako multo. πŸ˜‚ Dahil sa sobrang busy sa work, minsan nakakalimutan ko na ang gawaing bahay kasi iniisip ko pagkatapos ko mag trabaho mag papahinga na lang ako lalo na at yung partner ko nakaleave dahil sa lamay ng tito niya medyo late na din ang lunch ko kanina tapos may halo-halo pala hindi sinabi kaya tunaw na yung halo-halo na kinain ko tapos sabi ko sa mga client hanggang alas 4 lang kami…

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls. 😐 Medyo speechless ako kanina kasi naaawa ako sa mga naging client kanina sa trabaho parang nanghihina ako lalo na kapag may umiiyak na kaso syempre sinusunod ko lang kung ano yung trabaho ko hindi maiiwasang may mga panahong hindi natin inaasahan. Buti na lang may masarap na Tinola kaninang tanghali luto ng aking katrabaho bale nag ambag-ambag kami.😁

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls. 😁 Tanghaling tapat at kainitan ng araw, kami ay nagpipintura ng lamesa at upuan para mag mukhang bago kasi yung dati niyang kulay kumukupas na. Ngayon namin naisipan mag pintura para mabilad sa araw at madaling matuyo ang aming pininturahan. Dahil hindi ko kayang ilabas yung lamesa para pinturahan kaya sa loob ko na lang pininturahan at sa labas na lang yung mga upuan kasi madaling buhatin. May natapos na po akong pinturahan kaya pahinga muna.

@WhyEugene

Good Morning Boys and Girls. 😁 Dahil malapit ng mag tanghalian kaya ito nag iihaw na po ako ngayon ng liempong baboy kakabili lang after naming magsimba pati kapitbahay namin napapatingin dahil naamoy ata yung iniihaw ko. πŸ˜πŸ‘ŒπŸ» Hindi niyo po naiitatanong malapit na po ang aking birthday sa February 22 na kaya hindi ko alam kung excited ako kasi hindi ko pa birthday tinatanong na ako lalo ng mga katrabaho ko kung ano ang ihahanda ko medyo nakaka-pressure kapag sinabi ko yung…

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls. 😁 Dahil may pasok ako sa araw ng birthday ko, ngayon ako nagpablowout sa magulang at kapatid ko kaya kumain kami sa labas para icelebrate ng maaga kasi sa trabaho ko, ako yung evaluator sa aming office kaya kailangan talaga ako doon para kumausap sa mga client tsaka mga katrabaho ko lang makakasama ko sa mga oras na yun kaya ngayon ko lang magagawa yung ganito. πŸ™‚

@WhyEugene

Pagkatapos naming kumakain, hindi mawawala ang desert kaya umorder na ako ng halo-halo at mapapawow ka na lang sa sarap naman yern. 😁 Medyo natagalan pa pero ok lang nakababa na naman kami ng kinain. Tara halo-halo po kayo gan. 😁

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls. 😁 Nakakamiss pumunta sa Agoo, La Union lalo na makikita mo itong malaking statue ng eagle. Nakaakyat na ako itaas kaso binawalan ako ng mga taga doon dahil para daw sa safety kasi medyo luma na yung statue baka daw may mga gumuhong parte. 😁 Actually madami akong nakita sa lugar na yun madaming mga mall din tsaka yung simbahan doon sobrang laki kaso walang maparkan ng motor ko nun kaya di ako nakapasok doon. Nexttime balik ako doon. πŸ™‚

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls. 😁 Happy Birthday To Me, salamat po sa mga bumati sa akin. Bago ang lahat ikukwento ko sa inyo ang mga kaganapan ngayong birthday ko kasi ito ang pinaka-magangang nangyari sa buhay, kanina sinupresa ako sa opisina ni mama at mga kilalang tao sa aking trabaho binigyan ako ng cake sunod na nangyari kumain kami sa labas sa eat all you can grabe dami kong nakain kanina at naka-schedule pa ako sa bakunahan ng booster. πŸ˜‚ Masaya at masakit ang…

@WhyEugene

Magandang Hapon Boys and Girls. πŸ˜‚ Tara eat all you can po dito sa Cabalen, dito po ako nag celebrate ng birthday ko kahapon kaya ito ngayon ko lang na ipost. Tinodo na namin ang kain niyan dahil pagkatapos namin kumain, papunta na kami sa bakunahan ng booster. Ok lang siguro mag pa-booster ng busog kasi di ko naramdaman yung sakit.😁 Pero ngayon nararamdaman ko na yung sakit parang bumibigat na yung braso ko pero naitataas ko pa naman. 😁

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls. πŸ˜‚ Hindi pa kami kumakain ng hapunan pero kumain na kami ng ice cream. πŸ˜‚ Syempre ice cream yan pwede anytime kahit malamig ang panahon go na go. πŸ˜‚ Ang flavor ng ice cream ay strawberry may libreng apa sana ito kaso natapos na yung promo pero naka-display pa rin kasi doon sa freezer kaya bumili na lang kami ng Stick-0 para isama sa ice cream. 😁

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls. 😁 Bago ang lahat gusto kong ikwento sa inyo yung naranasan ko sa una kong trabaho. Ang pasok ko nun ay tatlong shifting may 6am to 2pm, 2pm to 10pm at 10pm to 6pm pero ang pinaka ayaw ko yung 2pm to 10pm kasi commute lang ako nun at ang layo pa ng uuwian ko mula Epza to Trece dun sa Cavite. Wala na akong masakyan, minsan tsambahan na lang kung may byahe pa ng ganung oras kaya inaabot na ako ng 1am or mga 3am. Tapos yung nakasama ko sa bahay na…

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls. πŸ˜‚ Gusto ko lang ipakita yung mga chandelier ng isang restaurant sa mall hindi lang isa kundi marami parang mga Royal Family yung kakain dito pero yung restaurant pang eat all you can pero ito lang talaga yung nakakaakit yung mga kumikinang na chandelier. Siguro nakakain na kayo sa restaurant na ito yung Cabalen, dito ako nag celebrate ng birthday ko nag check muna ng mga kakainin ang lalaki ng mga ulam kaya di ako sure kung kaya kong ubusin kasi…

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls. 😁 Kakatapos lang namin kumain ng tanghalian medyo late na kaya ngayon nagiisip ng magiging hapunan. Kapag pala nasa eighteen pataas na ang edad ng isang tao, nag umpisa na yung responsibility sa pamilya at namumulat yung kaisipan nito na dapat matagal na niya ginawa yung mga bagay-bagay pero syempre kahit nag umpisa pa lang ito mag ipon para sa sarili niya eh, wala siyang magagawa kasi uunahin ang pangangailan ng pamilya. Ako mula nung High…

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls. 😁 Hindi ako baka i-cow char. πŸ˜‚ Habang nag rides ako kanina papuntang Bangar, La Union may nakita akong baka na malapit sa Highway so huminto muna ako at pinark ko yung motor ko malapit sa waiting shed para kuhanan yung baka para ma-post na din. Medyo lumalapit ako ng kunti para mas close up yung pagkakakuha, nakuhanan ko nga pero di ko alam na nakaflash yung cellphone ko kaya nung nasilaw yung baka agad akong tinakbo medyo nagulat din ako pero…

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls.😊 Kamusta ang Sunday ninyo? 😁Nga pala guys, habang ako ay nag scroll ng aking Facebook Account may napanuod ako na dalawang pulis vehicle ang nagkabangaan pero syempre short video lang ito kaya hindi ko na alam kung saan lugar kasi sa post walang nakalagay na info basta post lang. Hindi ko na din mahanap yung naturang video. 😐

@WhyEugene

Dahil medyo bored po ngayong Linggo dahil syempre pagkatapos sa simbahan uuwi, kaya magkukulay na lang po ako ng buhok ko. Kulay pula po yung napili ko para matakpan po yung brown hair ko actually hindi siya yung pulang-pula, high light lang kapag natatapatan ng araw. 😁 Sabi sa instructions pagkalagay mag-antay ng 20 to 30 minutes bago banlawan kaya dito muna ako sa aming kubo magduduyan. πŸ˜‚

@WhyEugene

Good Afternoon Boys and Girls. 😁 Mabuhay, kamusta po kayo? Kakatapos ko lang po kumain ng tanghalian ang ulam ko po ay monggo kaya madali po akong nakabalik sa loob ng office. Walang gaanong client kaya nag sound trip na lang po ako ng aking Spotify sa aking pwesto habang pinapanuod yung mga nagkakabit ng ilaw pundi na kasi yung iba kaya medyo madilim sa office. πŸ™‚ Nakakatakot din kasi live wire yung hinahawakan nila. 😁

@WhyEugene

Magandang Hapon Guys... 😁 Ang ganda ng tanawin at ang presko ngayong hapon. Hindi ko alam kung bakit ang saya-saya ko ngayon kahit late na ako magpa-emmision ng aking motor kasi nasa trabaho ako. πŸ˜‚ Kaya nag pa-change oil na pati yung gear oil tapos full tank na rin kasi baka magpaalam muna akong mag pa-emission sa March mahirap na kailangan sumunod sa gobyerno. πŸ™‚ Pahinga muna ako, kasi napagod sa maghapong trabaho baka bumigay yung katawan ko lalo na binata pa ako kailangan…

@WhyEugene

Good Evening Boys and Girls. πŸ˜€ Natapos na po pinturahan ang aming kubo ng kulay puti ngayong gabi para kinabukasan matuyo na. Ngayon lang nagkaroon ng time kasi syempre maghapong trabaho kaya ito lang yung maitutulong ko sa magulang ko. Kaya puti yung pinintura ko sa kubo para kahit gabi maliwanag kapag natatapatan ng ilaw. 😁 Sa susunod lalagyan ko ng mga kurtina para lalong gumanda. 😁 Sige kailangan ko pang magsaing. πŸ‘