"Panaginip"

0 6
Avatar for Wennalyn
2 years ago

Kinagabihan pagkatapos ako sunduin ni kuya Herman naabutan ko si manang Inda na nag luluto ng paborito kong adobong pusit kaya dali dali akong pumanhik sa kwarto ko at nagbihis para makababa at tutulungan ko si manang palagi kaming ganto at pagtatapos magluto dadating si kuya galing trabaho .

" Kuya kamusta po ang araw nyo!" Magiliw kong saad kay kuya.

" Ayos naman ikaw ba nag aaral kaba ng mabuti?" Tanong nya sa akin.

"Oo naman po ako pa, kuya wala ka pa bang gf? Gusto ko na mag ka ate e" paglalambing ko sa kanya.

" Ikaw talaga Cia,wala pang natitiyempuhan ang kuya mo e"saad nya tyka tumawa.

" Naku kuya sabihin mo walang pumatol sa'yo kasi masyado kang masungit at strikto sa mga kaopisina mo" pambabara ko sa kanya sabay tawa.

" Abah sila nga ang hindi mahumaling sa aking pagka magandang lalaki" tyka tumawa ng malakas.

"Yakk kuya mandiri ka naman HAHAHA" tumawa nadin ako

"Ay bunso nagpadala ba sila mommy ng message sa'yo? Sabi uuwi daw sila next Saturday ni daddy." Pag iiba ni kuya ng usapan.

"Ah hindi kuya basta maghahanda nalang kami nila manang Inda ng mga pagkain" saad ko

Pagkatapos namin maghapunan pumasok na ako sa kwarto ko at nag review dahil may long quiz kami bukas, ilang sandali lang inantok na ako at humiga na sa kama.

First period namin nagshare lang kami ng mga nakaraan namin tapos nung pagkatapos ng last period nagkita kita kami nila Maycee sa bench kasi nag aaya sa gumala

"Cia tara mall tayo" pag aaya nila Maycee sa akin

" Libre nyo ba?"tyka tumawa ako ng tumawa

"Wag kana pala sumama" sabay irig naman ni Erra

"De joke lang HAHAHA" dugtong nya

" Sige g ako"sabi ko naman

At nakita namin lahat si Sir Hiro dumaan at tinawag pa ni Aiko eto namang Erra inaya si Sir na sumama sa amin ewan ko ba may kakaiba akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag simula ng makita ko si sir Hir-

"Cia gising na mag almusal ka na may pasok kapa" katok ni kuya sa pinto.

Pagka almusal ko nagpaalam na ako kina manang Inda na papasok na. Pagka pasok ko sa gate nakasalubong ko si sir Hiro ewan ko ba bakit may kakaiba akong naramdaman kahit kahapon ko palang sya nakilala pero palagay ko matagal ko na sya kilala.

"Good morning sir" bati ng mga estudyante sa kanya

Ako eto nakatitig lang dahil naguguluhan ako sa nararamdaman ko sobrang kakaiba talaga hindi ko mapaliwanag nang magtama ang paningin namin dumerederetso na ko hindi ko siya binati at pumasok na sa room.

"Hoy Cia ready ka na ba? Bungad agad sa akin ni Erra.

"Saan?" Tanong ko naman

"Ewan ko ba sa teacher natin kakaiba ang trip ang gagawin daw natin ngayon ikuwento ang buhay natin" naasar na saad naman ni Erra.

Dahil hindi ako maka moved on sa naramdaman ko kanina hindi ko na lang pinansin si Erra.

"Good morning class" hindi ko napansin na nasa harapan na pala ang teacher namin.

"So ngayon ang gagawin lang natin ay mag share ng ating mga nakaraan natin at mga pinagdaanan sa buhay." Dagdag nya pa

"Ako muna, I was 20 years old back then nung makita ko ang first love ko pero traggic yung love story namin hindi kami nagkatuluyan kasi namatay sya kinaya ko lahat yon kasi ayaw nyang malungkot ako dahil sa pagkawala nya and ngayon masaya na ako na naging bahagi sya ng alaala ko na alam kong kahit minsan hindi ko na mababalikan at mananatiling alalala ko nalang, mayroon nadin akong dalawang anak at syempre asawa." Pagkwento ni ma'am at nagpalakpakan ang mga kaklase ko

"Next na magkukwento ay si Ayanna Abdon" saad ulit ni ma'am tyka itinurk ang kasunod.

Natapos na magkwento ang kalahati ng estudyante sa room at ako na ang kasunod.

"Next is Ciara Aizelle Natividad" pagsabi ni ma'am sa pangalan ko.

Tumayo na ako at nagsalita " ah magandang umaga po ako po si Ciara Aizelle Natividad ako ay isang simpleng babae na lumaki kasama ang kuya ko dahil palaging nasa business trip sila mommy at daddy pero kahit wala akong maalala na parte nang buhay ko na masaya kaming magkakasama ok lang at wala naman kaming hinanakit ni kuya sa kanila ginagawa nila yon para sa amin at sa future namin, dati nung twelve years old ako nakabuo ako ng sarili kong mundo pag natutulog ako tinawag nilang lucid dream yon ang ganda ng ginawa kong mundo don nalalagay ko lahat mg bagay at tao na gusto ko pero nagbago lahat yon ng may isang lalaki na pumasok sa panaginip ko ng hindi ko naman gusto at hindi ko nilagay sabi nya hindi nadaw sya nakabalik sa mundo natin kaya natakot ako at nang magising ako umiyak ako kasi ayokong magaya sa kanya ayokong magstay sa mundong yon . I was 12 years old back then at yung lalaking nakita ko ay 16 years old hindi ko na maalala ang pangalan nya kasi 5 years na naman ang nakalipas never na ulit ako pumunta sa mundo kong ginawa dahil sa takot pero matapos yon nabigyan padin ako ng kakaibang kakayahan na sa tuwing matutulog ako at paggising ko maalala ko lahat ng nangyari sa panginip ko at mangyayari ito paggising ko weird pero oo totoo".pagkwento ko

" Salamat Ciara next is Kierra Antonnete Olivarez"

Natapos magkwento ang lahat at sumunod na ang ibang subject teacher pagkatapos nagkita kita kami nila Maycee sa bench dahil kakatapos lang ng last period maaga pa naman kaya nag aaya silang gumala.

"Cia tara mall tayo" pag aaya nila Maycee sa akin kasi alam nyang ako lang ang hindi papayag kaya pinagtripan ko muna.

" Libre nyo ba?"tyka tumawa ako ng tumawa

"Wag kana pala sumama" sabay irig naman ni Erra

"De joke lang HAHAHA" dugtong nya

" Sige g ako"sabi ko naman

Tapos biglang dumaan sa harap namin si Sir Hiro at tinawag naman sya ni Aiko kaasar talaga.

"Sir sama ka sa'min?" Pag aaya ni Erra

"Punta po kaming mall tara sir nood tayo sine tyka kain tayo don" dugtong naman ni Maycee.

"Sige ba wala naman akong gagawain e"saad ni sir sabay ngiti at napatingin sa akin.

Habang naglalakad papuntang parking dahil sa sasakyan nalang daw kami ni sir sasakay nauuna sila Maycee kaya nahuli ako kasabay si sir Hiro.

"Ah Ciara?" Biglang napatingin ako sa kanya

" Ah sir kilala nyo po ako?" Nagtataka kong tanong.

"Oo student kita e" natatawang sagot nya

"Ah Ciara may naalala ka ba sa mga nanyari 5 years ago?"nag tataka akong napatingin sa kanya.

  • Maraming salamat po sa mga bumabasa may kasunod pa po ito!😁

1
$ 0.00
Avatar for Wennalyn
2 years ago

Comments