Taho in the house. Kumusta na po kayo dito? Ngayon lng po nakasilip kasi Tuesday is my laundry day! Katatapos lng magsampay ng mga labada. Mabuti mainit pa dito sa amin para matuyo agad ang mga damit. Kaninang umaga, dumaan po ang nagtitinda ng taho. Bumili ako ng 5 orders, pinalagay ko sa mug. Naku, nag increase na po ng presyo. Yung dati na tig P20 per mug, ngayon ay P30 na. Ang tig P20 daw ay yung nasa lalagyan nila na plastic, next size sa pinakamaliit na plastic baso. Nagmahal na po lahat ng bilihin ngayon. Paano na lng po tayo maka survive kung wala na man increase yung mga sweldo ng karaniwang mamamayan? Oh Lord, sana tulongan mompo kami. #Pilipinas
1 comment
penge ng isa hahaha:)