Hapunan Katatapos lng po kumain ng hapunan. Bumili ang mga anak ko ng Sr Pedro na Lechon manok at kapares sa aming atchara. Nagluto lng po ako ulit ng kanin kasi kaunti na lng ang sobra sa niluto ko kaninang umaga. May natira pang tocino dried fish kaya kinuha ko na rin para pampagana. Sana tapos na rin po kayo kumain mga kaingay. Habang kumakain, nag kwentohan ang aking mga anak tungkol sa laro nilang ML. Hindi ko alam paano ang laro na yan kaya nakikinig lng po ako . Yan yata ang uso ngayon sa mga millennials. Ang alam ko lang dati ay yung FarmVille, Candy Crush at Solitaire . Matagal na rin po ako tumigil sa mga laro na yan. Dito na lang po ako sa Noise magbabad, marami pa akong matutunan at makikilala na mga virtual friends. Magandang gabi po mga kaingay. Ang nasa picture po ay ang aking pagkain para sa hapunan.
1 comment
Sarap naman ng dinner nyo, ate!