read.cash Log in
@Wella46 more from that month

Magandang umaga Pilipinas. Salamat Panginoon sa pagising mo sa akin ngayong umaga at marinig ang mga huni ng ibon, tunog ng mga tandang at manok at mga tahol ng aso. Salamat Lord sa panibagong buhay at bagong pag-asa. Iaalok ko sa Iyo Panginoon ang aking saloobin, diwa, salita at gawa sa araw na ito. Salamat po sa mga grasya na ipinagkaloob mo sa akin sa araw araw. Patawarin mo po ako sa aking mga sala at pagkukulang at pakibigyan mo rin ako ng grasya at lakas na magpatawad sa may nagkasala sa akin. Panginoon, iaalay ko po sa iyo ang aking sarili, aking pamilya, mga kaibigan at mga kaingay. Nagdarasal ako sa pangalan ni Jesus, Amen.🙏

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.