Magandang umaga Pilipinas! Ako'y nagpapasalamat sa Pilipinas channel sa paglikha ng Pinoy Tambayan. Ito po ang pinaka una kung tampok sa Pilipinas channel. ALMUSAL Oras na po sa ating almusal. Ito po ang "Puto Maya" at sekwate . Or sa English " Sweet Rice and hot chocolate ". Nakasanayan na po ng mga taga rito sa amin ang kumain ng puto maya sa umaga kapares ang mainit na sekwate. Nagpapasalamat po ako na may dumadaan dito sa amin na naglalako ng "Puto Maya" . Inaabangan ko po siya sa umaga para makabili nito. May dala rin po siya na sekwate pero hindi na po ako bumili kasi mas gusto ko yung ako na gumawa gamit ang special tableya. Halina po kayo, tayo na at mag ALMUSAL! Magandang umaga po.
No comments yet